(Unang puso)
Una pa lang ikaw na ay gusto
Kahit na ba kapwa bata pa ang ating mga puso
Mga ngiti mong sa loob ko'y nagpapagulo
Ano itong hatid mo sa buhay ko?Tayo'y nagkakilala nang dahil sa wattpad
Naging kaibigan mo, oh anong palad!
Mga nasa puso'y ninais kong ilahad
Ngunit sa mga torpe, bakit ako'y natulad?Haggang sa tumagal ay may nakilalang iba
Puso kong takot ay nalito na
Kanino nga ba sumisigaw itong puso kong umaasa
Sa bagong kakilala o sayong angking ganda?(Pangalawang puso)
Tayo'y nagkakilala at naging magkaibigan
Daga sa loob ko'y nagpapaligsahan
Kahit na ba hindi tayo magkakilala ng harapan
Puso kong musmos pa ay iyong tinanganSa umpisa'y tayo ay hindi pa malapit
Pag-uusap natin minsan at tila pa pilit
Tingin ko sa sarili na kay liit
Biglang lumaki, yumabong nang sayo'y mapalapitBatid kong puso mo'y may ibang hinahangaan
Ngunit kita mo, siya'y may iba ng tumatangan
Sa akin ka na lang, luha mo'y itatahan
Papasayahin ka, magpakailanpaman(Pangatlong puso)
Nakilala ka una, ngunit hindi sa personal
Kaya naman sa loob ko ay tila may nagbabawal
Ngunit kahit anong pilit kong sa puso'y sumakal
Hindi ko mapigil na sa iyo'y magmahalIkaw ginoo, na una kong nakilala
Itong puso ko'y talagang sayo ay umasa
Ngunit ano itong aking napala
Nadagit ka yata ng ibang dalagaWala akong karapatan na sa kanya'y magselos
Kaibigan lang ako base sa iyong ikinilos
Damdamin ko lang talaga ay nagpadalos-dalos
Pilit nilalabanan kahit naghihikahosHanggang sa lahat ay tuluyang maghilom
Mga kumalat na puso'y tuluyang nalikom
Sa tanong ng ilan ay nanatiling tikom
At ang nangyari'y tuluyang nilumlomIkaw pangalawa ang nagpabalik ng aking tawa
Sa munting usap natin ako'y talagang natutuwa
Tila baga may pilit kumukudlit, ano ba?
Mahal na ba kita, ginoong pangalawa?Kilala mo rin si una at naging kaibigan
Mundo nating tatlo ay parehas ng ginagalawan
Ngunit pareho kayo turing sakin ay kaibigan
Ngunit sabi nila lahat ng gawa mo ay may kahuluganSa pangalawang pagkakataon ako ba ay aasa?
Gusto mo ba ako, o kaibigan lang talaga?
Dapat bang huwag kong lagyan lahat ng malisya?
Dahil hindi ko kakayanin kung may papangalawang sakit pa(Puso ng may-akda)
Pag-ibig ninyong tatlo ay sadyang napakagulo
Kahit siguro henyo, sa inyo'y malilito
Bakit 'di na lang ilabas at magpakatotoo
Bago pa mahuli ang lahat at maging aboIkaw una ayusin ang isipan
Kita mo tuloy ika'y may nasaktan
Batid kong ikaw din ay nasugatan
Kaya naman ika'y humayo at lumaban.Ikaw pangalawa ay umayos rin
Kailangan pa ba lahat sa'yo ay idiin
Lumaban ka kahit ano man ang sapitin
Malay mo naman, masusungkit mo ang bituin.Ikaw pangatlo ay malayang pumili
Matalino ka naman at talang binibini
Ngunit pakatandaan at pag-isipang maigi
Ang tunay na umiibig, hahamakin ang lahat maging bagyo patiAno man ang kahihinatnan ng inyong pag-iibigan
Dito lang ako at susuporta sa kasalukuyan
Pagmamasdan kayo habang nagpaduyan-duyan
Sino man ang boto ko, hindi ko ipagsisigawan.... Mga kaibigan :)●●●◎●●●
© January 2015
J.Bree
