Magkaibang Mundo (1)

201 7 5
                                        

Sa ating bawal na pag-ibig
Luha ko'y pwede nang maigib
Puso mong pilit kong kinakahig
Ngayo'y nasa gitna na ng mga talahib

Tayo'y nasa magkabilang mundo
Ika'y mortal, ako'y hindi tao
Sa mga nangyari ay hindi na natuto
Binalewala mga paalala ng mundo ko

Mundo mo'y pinilit kong abutin
Sa isang kaibigan ikaw ay inihabilin
Ngunit bakit naligaw ang iyong paningin
Iba na yata ang laman ng puso mong akin

Tinanggap mo kung ano man ako
Nagbigkis pa rin ang ating mga puso
Kakayaha'y isinakripsyo para sa'yo
Tinalikuran lahat para maging tao

Ngunit pagdating ko'y iba ang iyong kapiling
Puso mong akin ay kanyang hiniling
Ngumiti ka at sa kanyang balikat ay humilig
Napayuko ako't hinanap ang sagot sa sahig

Tumalikod na ako at umalis
Dahil puso mo giliw ay sa kanya nalihis
Bakit pagbabago ng puso mo'y kay bilis?
Puso ko tuloy ay naghihinagpis

Masama ang loob na ako'y lumisan
Ipinaubaya ka na sa tinuring kong kaibigan
Kung kayo ay talagang nagmamahalan
Handa akong sumuko at huwag nang lumaban

●●●◎●●●

© January 2015
J.Bree

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon