KABATAAN

0 0 0
                                    


Ang kabataan ay pag-asa ng bayan ika nga ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal. Napapaisip ako kung totoo ba ang katagang ito?
Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan? Mga iilang tanong ko saaking isipan.

Habang papauwi ako galing eskwelahan may nadaanan akong isang grupo ng mga estudyante na nagyoyosi sa gilid ng aming paaralan, napapaisip ako na alam ba ng kanilang mga magulang ang pinanggagawa ng kanilang mga anak.

Nakakalungkot isipin na naghihirap ang kanilang mga magulang para paaralin at bigyan sila ng magandang buhay ngunit mismong mga kabataan ang nagsisira ng kanilang mga pangarap dahil sa gawain nilang hindi kaaya-aya.

Sa dakong harapan naman ng aming paaralan makikita mo ang mga mukha ng kababaihan na sobrang kapal ng kolorete sa mukha, na inaakala mo'y sinampal sila ng isang daang kamay dahil sa sobrang pula ng kanilang mga pisnge,mga pulang labi na hindi kaaya-aya, at hindi bagay bilang isang estudyante,mga kilay na akala mo'y tatak ng isang popular na brand.

Kung papansinin ang paligid ng eskwelahan maraming kabataan ang may hawak ng yosi at iba pang mga bisyo na hindi karapat dapat gawain ng isang bata at maraming kabataan na lulong sa tinatawag na 'social media'.

Maraming kabataan na sumasabay sa uso, kahit walang wala sila o wala silang pera pinipilit ang magulang upang bilhin ang mga ganito ganiyan upang sila ay makasabay sa tinatawag na 'uso'. Karamihan saatin ay ang mga kabataan na kahit wala pa sa hustong edad ay nabubuntis na. Ito ay iilan lamang sa mga nakikita nating suliranin ng mga kabataan ngayon.

Kaya bilang isang kabataan na tulad ko alam natin kung ano ang dapat gawin na naaayon sa ating edad at estado ng buhay. Maging isang role model sa susunod na henerasyon. Maging isang tinatawag na 'pag-asa' upang umunlad ang ating bayan,at magbigay ito ng halaga at silbi sa katagang iniwan ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal.

// 𝗘𝗡𝗗 //

@𝗺𝗮𝗿𝘆.

ONE SHOT STORIES!Where stories live. Discover now