MARK POV
After celebrating ng Christmas umuwi na kami galing tagaytay plano naman ng pamilya ko ay mag celebrate ng new year dito sa maynila.sobrang excited na ako hindi ko maitago ang ngiti sa aking mga mata, mas nauna akong umuwi compare kila mommy at daddy."Good morning sir mukhang napaaga and uwi niyo"-Manang
"Oho may importante po kasi akong pupuntahan"-Mark
"Pero sir kakauwi niyo pa lang galing tagaytay kumain muna kayo sabi ni Ma'am mahalaga daw ang pahinga niyo dahil pagod kayo pag-uwi niyo"-Manang
"No need po manang sa labas na lang po ako kakain magpapalit lang ho ng damit"-Mark
"Pero sir kapag nalaman ng mama niyo na hindi kayo kumain kami ho ang mapapagalitan"-Manang
"Ako na lang ho ang magpapaliwanag mamaya"-Mark
***Al-Fresco outdoor dining***
Ilang oras na ako naghihintay panay ang tingin sa Relo bawat dumadaan ay pinagmamasdan ko.iniisip ko na baka hindi siya sumipot o baka naman maligaw siya naghintay pa ako ng ilang oras bago siya makarating.
"Mark sorry kanina ka pa ba naghihintay?"-Pipay
"Mag dadalawang oras na nga eh"-Mark
"Sorry tinakbo ko na nga lang para makarating ako"-Pipay
"Ayos lang hindi naman ako mainipin"-Mark
"Kailan ka pa nakauwi?"-Pipay
"Kanina umaga lang ako nakauwi nagpalit lang ng damit tapos umalis na agad"-Mark
"Pwede mo naman ipagpabukas ito eh"-Pipay
"Gusto ko ngayon na dahil sobra na kita namiss"-Mark
(Napangiti)
"Siya nga pala may gift ako sayo"-Mark
Kinuha ko ang Paper bag sa tabi ng upuan ko at iniabot sakanya iyon.hindi niya maipaliwanag ang samutsaring emosyon ng ibigay ko sakanya yun.
"A-ano ang mga ito?"-Pipay
"Nung pasko ko pa iyan binili ngayon ko lang inabot sayo"-Mark
"Grabe nakakaduling naman yung mga price nito parang nakaka panghinayang gastusin"-Pipay
"Gusto ko kasi maiba naman yun mga suot mo kapag umaalis ka ng bahay kaya binilhan kita"-Mark
"Bakit mukha na ba akong losyang manamit?"-Pipay
"Hindi naman gusto ko may bago kang masuot"-Mark
"Salamat"-Pipay
JOSHUA POV
Kahit na break kami ni khione hindi ko naman siya nakakalimutan kung tutuusin dadalawin ko siya sa hospital para kamustahin kung ano ang lagay niya ngayon."Joshua?ikaw pala"-Manang
"Sorry kung ngayon lang ho ako nakarating busy po kasi ako nitong mga nakaraan"-Joshua
"Ayos lang naiintindihan kita"-Manang
"May regalo ho ako para sa inyo"-Joshua
"Salamat sayo pasensya na kung wala ako nabili gift sayo ikaw naman kasi eh biglaan ang pagpunta"-Manang
"Sasaglit lang ho ako hindi rin po magtatagal"-Joshua
BINABASA MO ANG
Pulis Mahal Kita (Completed)
AçãoBilang Pulis tungkulin ni Joshua ang pumatay ng mga masasamang tao dito sa Pilipinas gagawin niya ang lahat para sa kabutihan ng Bayan kahit na alam niyang maraming nagbabanta sa buhay niya at maraming maiinit ang dugo sakanya lalo na't karamihan sa...