JOSHUA POV
*FASTFOOD CHAIN*Lahat ay ginagawa ni Vishnu para lang malaman kung saan nagtatago ang dalawa.
"Nakita muna ba kung nasaan ang location nila Vishnu?"-Joshua
"Wala pa ako nakikita hindi ko sila mahanap ginagawa ko na ang lahat"-Vishnu
(Sigh deeply)
"Chuckoy ayos ka lang ba dyan sa pwesto mo ngayon?"-Joshua
"Ayos lang ako dito"-Chuckoy
"Wag kang aalis sa pwesto mo kahit anong mangyari stand by ka lang"-Joshua
"Copy"-Chuckoy
(Tired screetching)
Dahil sa sobrang dami ng tao sa mall mahirap talaga matukoy kung nasaan nga sila mahirap sila hagilapin.Magaling sila magpanggap kaya madali lang din sila makalusot.
*CCTV OPERATING ROOM*
"T-teka sino kayo?bawal pumasok dito! kapag di kayo lalabas tatawag ako ng Guard..Guard palabasin niyo si--" CCT Operator
Mabilis na iniligpit ang katawan ng lalaki at saka tinanggal ang kasuotan nito,bago pa man nila itapon ang katawan nito ay tinalian pa ang mga kamay at paa nito saka inilagay sa karton saka pumasok na ito sa loob ng elevator.
"Ilang oras na tayo nandirito pero wala pa din sila...Vishnu sigurado ka ba na talaga dito ang punta nila?baka naman niloloko mo kami dalawa ni Joshua"-Chuckoy
"Please Calm down for sure dito sila pupunta malakas ang hinala ko"-Vishnu
Dahil wala naman kasama si pipay sa bahay naisip niyang gumala sa SM kasama si Mark.nilibot nila ang buong mall para mamili ng mga gamit pati na rin ang mga pangangailangan sa bahay.palabas na sila ng mall ng nakita ni pipay ang isang gamit ng mga baby kaya naman nilapitan niya ito.
"Ang ganda noh?sana mabili ko ito"-Pipay
"Namimiss muna anak mo noh?for sure namimiss ka din nun"-Mark
"Sa tuwing nakakakita ako nito palagi ako nakakaramdam ng saya ewan ko ba Simula nung nabuntis ako lahat ng gusto ko ibibigay ko na lang para sa bata"-Pipay
"Don't be afraid pipay may chance pa"-Mark
"Oo naman umaasa ako"-Pipay
**FASTFOOD CHAIN**
Matapos nila mamili naisip nilang kumain dahil na din sa gutom at pagod kakagala sa loob ng Mall.
"Heto tikman mo masarap iyan"-Mark
"Tonkatsu ba ito?"-Pipay
"Ang galing mo manghula ah paano mo nalaman Tonkatsu iyan?"-Mark
"Tuwing inaaya mo ko lumabas ito iyung palagi mong inoorder kaya natandaan ko"-Pipay
"Paborito ko kasi yung tonkatsu kaya kahit saan ako magpunta ayan yung hinahanap ko palagi"-Mark
"Japanese lover ka ba?"-Pipay
" Huh?ako...hahaha I love Japanese foods lang pero di ako fan ng Japan"-Mark
"Akala ko fan ka ng Japan mahilig ka kasi kumain ng mga Japanese food"-Pipay
" No.may cousin ako na Japanese kaya nahawa lang sa mga ganitong uri ng pagkain"-Mark
BINABASA MO ANG
Pulis Mahal Kita (Completed)
ActionBilang Pulis tungkulin ni Joshua ang pumatay ng mga masasamang tao dito sa Pilipinas gagawin niya ang lahat para sa kabutihan ng Bayan kahit na alam niyang maraming nagbabanta sa buhay niya at maraming maiinit ang dugo sakanya lalo na't karamihan sa...