Chapter 18

15 3 0
                                    

Huli na ng dumating ang mga Pulis natapos na ang gulo yun nga lang nakatakas na naman sila Calix at Sergeant kang.isinugod na sa Hospital si Joshua hanggang ngayon Hindi pa din siya nagigising.may injury pa ang Binti niya at puro pasa ang mga mukha niya.si Mark nandun lang sa gilid niya habang ako nakatayo lang sa harap niya at inaantay ang paggising niya.

PIPAY POV

"Sana magkamalay na siya gusto ko magpasalamat dahil niligtas niya ako"-Pipay

"Sana nga magising siya"-mark

************************

KHIONE POV
Dali-dali ko pinuntahan ang Hospital kung saan isinugod si Joshua pumunta ako sa infornation desk para tanungin kung saan room siya.

"may patient ba kayo Joshua Ong?"-khione

"Room 302 po"-nurse

"salamat"-khione

Dali dali ko pa tinakbo sa 3rd floor pagbukas na pagbukas ko may isang lalaki at babae ang nagbabantay Kay Joshua. Sobra akong nasaktan dahil may injury pa ang boyfriend ko at puro pasa ang mukha nito.parang nanlabot ang mga buto ko nang nakita ko ang kalagayan ng boyfriend ko si Joshua dahan dahan akong lumalapit sakanya at sabay hawi ng buhok nito.

"joshua sinong may gawa sayo nito?"-khione

Lumingon ako sa isang Babae pati rin sa lalaki na kasama niya.

"Sorry kung napahamak ang boyfriend mo dahil sa akin Hindi ko naman kagustuhan iyun nangyari eh sorry talaga"-Pipay

***********************

Nauna nang umuwi si Mark kaya Dalawa na lang kami ng Girl na nagbabantay Kay Joshua.Nasa labas lang kami ng room ngayon habang nakaupo kami nag-uusap kami dalawa.akala ko nung Una aawayin niya ako pero hindi.

"ikaw ba yung girlfriend ni Joshua?"-Pipay

"Oo actually 4 years na kami gusto ko sana eh sa next monthsarry namin ay mapag-usapan ang wedding namin dalawa"-khione

"Ang swerte mo naman sa dinami dami ng pwedeng mapangasawa ikaw pa ang napili"-Pipay

"siya nga pala nobyo mo ba yung kasama mo kanina?mukhang mas maswerte ka kaysa akin napaka mayaman"-khione

"naku Hindi ko jowa iyun boss ko iyun sa hotel at nagtatrabaho lang ako sakanya"-Pipay

"Akala ko nobyo mo sorry napagkamalan pa"-khione

"Ayos lang"-pipay

"siya nga pala paano mo nakilala si Joshua?"-khione

"Sa Upahan lang ng Apartment siya yung nakasama ko dun since nung nagpunta ako dito sa maynila"-pipay

"kung ganon ikaw at siya lang ang --"-khione

"naku wag kang mag-isip ng kung ano ano pareho kami busy sa trabaho magkaibigan lang kami nun pramis walang something"-pipay

CHUCKOY POV
Dahan dahan kong ginagamot ang mga sugat ni wiki pansamantala sa bahay ko muna siya matutulog mahalaga ang kalusugan niya.

"ayan magiging maayos na ang sugat mo magpahinga ka na muna"-chuckoy

"Teka Hindi mo ba ako papakainin?gutom na gutom ako kanina pa"-wiki

Pulis Mahal Kita (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon