WIKI POV
Nakita ko papasok pa lang sa building si Joshua kaya nilapitan ko ito at saka tinawag."Pwede ba tayo mag-usap?"-Wiki
"Mag-usap tungkol saan?"-Joshua
***CAFETERIA***
"Break na pala kayo ni khione bakit hindi mo manlang sinabi sa amin?"-Wiki
"Hindi niyo naman kailangan malaman dahil relasyon naman namin iyun"-Joshua
"May karapatan pa din kami malaman iyon dahil kaibigan namin siya lalo na't may cancer siya"-Wiki
(Speechless)
"May gusto ako itanong sayo walang personalan ito"-Wiki
(Sigh)
"may namamagitan na ba sa inyo ni pipay kaya hiniwalayan mo si khione?"-Wiki
"Kahapon ko pa inamin sakanya may feelings ako kahit siya may feelings din sa akin pero ayaw niya pa aminin"-Joshua
"Kailan ka pa nagkaroon ng feelings sa babaeng iyun at saka akala ko ba hindi mo ipagpapalit si khione sa ibang babae"-Wiki
"Akala ko kasi noon siya na yung babaeng para sa akin pero nagkamali ako"-Joshua
"Kung alam mo lang joshua sobra siya umiyak dahil sa ginawa mo napakasakit non para sakanya"-Wiki
(Sigh)
"kahit naman na sabihin mong break na kayo try mo naman din siyang kamustahin alam mo hindi ganon kadali sa aming mga babae ang mag move on lalo na kapag sobrang tagal na ng relationship"-Wiki
PIPAY POV
Dahan dahan lang ang lakad ko papuntang opisina habang hawak hawak ang tasa na may laman tsaa.huminga pa ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at saka binuksan ang pintuan kahit na nakatalikod siya ay kinausap ko pa ito."Sir ito na po yung tsaa niyo"-Pipay
"Pakilapag na lang sa table"-Calix
(Dahan dahan pumasok)
"Kailangan lahat mabenta iyun basta siguraduhin niyo lang na walang
makakakita sa inyo ingatan niyo na wala kayo makikitang pulis"-CalixNapalingon ako sakanya ng sinabi niya iyon pero umiling iling ako at lumabas na ng kanyang opisina.
"Parang familiar sa akin yung boses niya pati yung likod familiar sa akin parang nakita ko na din siya hindi ko maalala kung saan yun"-Pipay
Mabilis ako naglalakad sa hallway ng nakita kong makakasalubong ko ang lalaki na nakakita sa akin sa bodega kung saan nakaimbak ang mga libo libong marijuana at droga kaya naman tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok at tinakpan ang mukha,mabilis ang pagbaba ko ng hagdan nang nakalagpas nako saka tinali ang buhok habang naghahabol ng hininga.
"Parang hindi ko na kaya itikom pa ang bibig ko di bale magtrabaho kasambahay wag lang sa ganitong uri ng trabaho huhuhu nakakakilabot baka dito pa ako mamatay ng maaga"-Pipay
Tumayo lahat ng balahibo ko dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko sa pinapasukan kong pabrika.
CHUCKOY POV
Masaya kami ngayon dahil mag-iinuman na naman kami kaya ang bawat isa ay nagka anyayaan kasama si Director cheng.
BINABASA MO ANG
Pulis Mahal Kita (Completed)
AcciónBilang Pulis tungkulin ni Joshua ang pumatay ng mga masasamang tao dito sa Pilipinas gagawin niya ang lahat para sa kabutihan ng Bayan kahit na alam niyang maraming nagbabanta sa buhay niya at maraming maiinit ang dugo sakanya lalo na't karamihan sa...