Chapter 43:

6 2 0
                                    

PIPAY POV
Malayo ang palengke kaya kailangan mo talaga sumakay ng tricycle pauwi ang dami ko pa gagawin nang bumungad sa akin ang isang maleta.

"Lalayasan niya na ba ako?"-Pipay

Inilagay ko ang mga pinamili ko sa aking mesa at saka binuksan ang laman ng maleta halos matanggal ang mga Mata ko dahil halo halo ang mga gamit namin sa loob. paglabas na paglabas niya ay nagulantang siya nang hawak hawak ko ang aking panty.

"A-anong ibig sabihin nito?"-Pipay

"May pupuntahan tayo magbihis ka na"-Joshua

"Saan naman?"-Pipay

"Alam kong hindi mo pa ito nasusubukan"-Joshua

"Nasusubukan?"-Pipay

"Masaya ito pramis"-Joshua

**********************

***BEEP BEEP BEEP***

"Joshua!! Arat na!"-Chuckoy

"Pipay nasaan kana?"-Joshua

"Eto na nakabihis na"-Pipay

"May mga dala pa ba kayo ulam?"-Chuckoy

"Oo nagluto pa kasi siya kaya hindi na din nakapag ayos"-Joshua

"Aba mukhang masarap ang dadalhin natin ulam"-Chuckoy

"Palagay ko hindi natin mauubos iyan basta basta"-Joshua

"Mauubos iyan si wiki pa ba?"(sabay tawa)-Chuckoy

Bago kami sumakay ay inayos muna namin ang mga dadalhin medyo mabibigat ang iba pero kaya naman nilang dalawa iyun.

"Wiki saan ba kasi tayo pupunta?"-Pipay

"Kahit ako hindi ko din alam eh"-Wiki

"Di kaya may gagawing milagro yung dalawa sa atin ayaw naman sabihin sa atin ni Joshua"-Pipay

"Grabe ka naman sa milagro baka naman magtatravel tayo di lang sila umaamin"-Wiki

(Sigh)

Ilang oras ang biyahe namin medyo nakakaduling lang dahil paliko liko ang mga dinadaanan namin,magkatabi kami ni Joshua sa back seat at magkahawak kamay pa.

**AFTER FEW MOMENTS LATER**
Nakarating na kami sa lugar kung saan hindi pa namin napupuntahan malayo layo ang lalakarin namin kasama ng isang tour guide.mabibigat pa ang mga dala dala namin at mabato pa.hindi ako sanay tumawid sa mga ilog pero wala ako magagawa.

"Haist nakakapagod naman"-Pipay

"Malapit na tayo wag kang mag-alala"-Wiki

"Hinihingal na ako"-Pipay

Malapit lang sa gate ang cottage namin kaya walang problema. kanya kanya lapag na kami ng gamit at pangsamantala muna nagpahinga habang kumakain.

"Joshua saan ba dito yung falls na sinasabi niyo dalawa?wala naman ako nakita eh baka yun na yon dinaanan natin kanina?"-Pipay

"Mamaya makikita mo rin iyun sa ngayon magpahinga na muna tayo"-Chuckoy

"Teka yung alak baka makalimutan"-Joshua

Pulis Mahal Kita (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon