Chapter 8:

19 4 0
                                    

Makalipas ang ilang araw lahat ng nadamage sa Hotel ay muli nang naayos kaya nagsimula na muli kami.marami na Customer ang kumakain sa baba may mga ibang Food and Beverage na pumapasok pero yung iba hindi pa din nakakamove on yung ibang housekeepers naman nagsipasok na din. kinausap ko ang general manager para sa seguridad ng lahat pati ang dalawang guard na nagbabantay sa hotel.

"Kailangan bago pumasok ang mga Tao sa Loob Icheck niyo yung Back ground nila para maiwasan ang ganong insidente."-Mark

"Sige sir masusunod po"-General manager

"Kayo naman palagi kayo magmasid bawat dating ng tao sa hotel palagi niyo titingnan"-Mark

"Sige.Sir masusunod po"-BodyGuard

"Nagkausap na tayo nang maayos Sana gampanan niyo naman ng maayos ang trabaho"-Mark

PIPAY POV
Busy ako sa pagseserved sa mga cutomer nang may sutsot ng sutsot sa akin Hindi ko naman pinapansin dahil iniisip ko na baka ibang tao iyun.

--------------------------------------------

JOSHUA POV
Kahit anong sutsot ko talagang Hindi niya ako pinapansin kaya ang ginawa ko ay nagtawag ako ng isang Waiter.

"Yes sir?"-waiter
"Pwede mo ba tawagin iyung baguhan niyo dito?"-Joshua

"Ahh si Pipay?"-waiter

"Oo yun nga pakibilisan lang kasi nagmamadali ako eh ha..sige pakitawag na"-Joshua

************************

"Uy pipay mukhang kilala ka nung chinito na iyun oh tinatawag ka?"(bulong niya sakin)-Waiter

"Ano?"(sabay tingin sa lalaki)-Pipay

"Uyy manliligaw mo ata"-Waiter

"Tumigil ka manliligaw ka diyan"-Pipay

Nilapitan ko si Joshua kung saan siya kumakain nun habang dala dala ang tray.

"Pwede paorder ng isang Hot chocolate"(sabay ngiti)-Joshua

"Tss.yun lang pala eh ako pa talaga tinawag mo"-Pipay

"Ayaw mo? Bala ka may tips ka pa naman sa akin"-Joshua
(Sabay hinga ng malalim)-Pipay

Pumunta na ako ng Bar para umorder ng Hot chocolate pagkatapos nun ay pumunta na ulit ako sa pwesto niya para ibigay iyun.pagkatapos ko ilagay ang Hot chocolate sa table nito ay naglagay siya ng Pera sa tray.

"Ayan salamat"(sabay ngiti)-Joshua

(Ngumiti din)"pwede ko na ba kunin sir?"-Pipay

"Yes."-Joshua

Umalis na agad ako sa pwesto niya para magserved pa sa ibang cutomers.

CALIX POV
Sa isang malaking bilibid kung saan nakakulong si Calix ay sinugod ng mga Hindi kilalang armadong mga Lalaki.mga nakamaskara ito ng pang halloween may mga Armas itong Dala.bago sila pumasok ay naghagis sila ng isang smoke bomb at saka nila pinagsasaksak ang mga nakikita nila pulis.labis ang gulat ng mga bilangguan dahil sa nakikita nila,binubuksan nila ang kulungan kung saan nakalagay si Calix.

"Teka sino kayo?"-Calix

Hindi na agad agad nagsalita pa ang lalaki Bagkus ay pinalo ito ng baril sakanyang batok dahilan para mawalan siya ng malay.agad na nilagyan ng Sako ang ulo niya at saka Dali Dali ipinasok sa Kotse.

Pulis Mahal Kita (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon