Kanina pa ako naglalakad,uhaw na uhaw at gutom na gutom na ako para lang makahanap ng lintik na upahan na iyan kung saan saan na ako naglilibot hilong hilo na ako naduduling na ako kaya pansamantala muna ako umupo sa may waiting sched hinihingal na talaga ako,akalain mo iyon pagdating na pagdating ko dito galing probinsiya nilakad ko lang.akala ko kasi ganon lang kadali makahanap ng matitirahan dito sa maynila sa tapat ng kinauupuan ko ay may mga nakapaskil dun hanggang sa napansin ko ang idinikit ng matanda sa poste na dahilan naman para tumawid ako ng kabilang kalsada Dali dali ko inilapit ang mukha ko at binasa."Lolets Paupahan kumpleto na tubig/ilaw bayad buwan buwan 2,500 kasama na ang bayad sa tubig at ilaw" .labis ang galak ko nang may nakita na akong pwede ko maupahan.agad naman ako sinamahan ng may Ari dahil alam niyang interesado ako na umupa.unang kita ko palang ay maganda ang itsura kahit na maliit lang ito kasya ang dalawang tao dun nakatiles ang sahig at pati na din sa banyo.habang nililibot ko ang buong bahay labis ako nagulat sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Pulis Mahal Kita (Completed)
ActionBilang Pulis tungkulin ni Joshua ang pumatay ng mga masasamang tao dito sa Pilipinas gagawin niya ang lahat para sa kabutihan ng Bayan kahit na alam niyang maraming nagbabanta sa buhay niya at maraming maiinit ang dugo sakanya lalo na't karamihan sa...