Chapter 38

9 2 0
                                    

JOSHUA POV
Gabi na ako nakauwi ng bahay namin unang una ko hinanap si pipay kaya mabilis ako umakyat ng Kwarto at nandun siya nakaupo sa bench at tila ba nanginginig ito.wala ng ano ano pa at niyakap ko Ito ng mahigpit.

"Akala ko hindi na ako makakauwi ng ligtas kanina may nakatabi ako stranger kinabahan ako kasi kakaiba yung kilos niya"-Pipay

"Kaya nga tinawagan ko si Mark kasi alam kong hindi maganda ang kutob ko kanina"-Joshua

"Ayokong magcelebrate ng new year na magulo ang buhay natin dalawa"-Pipay

"Hindi ko naman hahayaan iyun"-Joshua

"Ikaw yung nasa isip ko kanina habang nakakaramdam ako ng takot iniisip ko na sana dumating ka"-Pipay

"Ang mahalaga ngayon nakauwi ka ng ligtas"-Joshua

SEARGEANT KANG POV
Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bewang at tila ba may iniisip na kung ano muli niya ibinalik ang tingin sa kanyang utusan.

"Kaano ano niya ang lalaking iyon?"-Sergeant kang

"Palagay ko ho kaibigan niya"-Spy

"Alamin mo kung ano ang ugnayan niya sa lalaking iyon pati na din kay  Joshua"-Sergeant kang

"Masusunod boss"-Spy

CHUCKOY POV
Wala pang alas dose pero marami nang nagpapaputok sa kalsada talagang damang dama na ang bagong taon habang ang ibang pamilya ay bising bisi sa paghahain.wala naman na ako ginagawa kaya naisip kong batiin sila wiki at Joshua.

(VIDEO CALL)

"Joshuaaaa happy new yearrr!!!"-Chuckoy

"Happy new year din bro!!!"-Joshua

"Happy new year din sa inyo!!!"-Wiki

"Mamaya pupunta kami sa inyoo!!"-Joshua

"Oy sige sige nakahanda na yung alak dito"-Chuckoy

Alam kong matutuwa sila mommy at daddy kapag pumunta silang lahat dito dahil bongga ang handaan namin ngayon.

PIPAY POV
Tatlo lang kami ngayon sa bahay kaya hindi ganon karami ang handaan namin ngayon.tumutulong ako sa pagpaplastar ng mga pagkain para mamaya sama sama kami sa pagsalubong ng bagong taon.masaya akong inilabas ang mga lucies nang nakita ko si Joshua na bagong ligo at amoy ko ang pabango niya kaya nilapitan ko ito.

"Joshua saan ka na naman ba pupunta?"-Pipay

"Kay chuckoy lang makikipag inuman lang"-Joshua

"Teka lang mamaya na lang pagtapos ng putukan malapit naman na mag alas dose eh hintayin mo na lang"-Pipay

(Sigh)

WIKI POV
Wala pa alas dose pero lahat kami nasa labas na.masaya kami pinapanood ang mga fireworks habang sabay sabay na sinisigaw ang happy new year.

"WIKIII HAPPY NEW YEARR!!!!"-Kapitbahay

"HAPPY NEW YEAR DIN POH MANANG!!!"-Wiki

CHUCKOY POV
Halos maraming tao ang nanonood sa mga fireworks hindi na kami lumabas bagkus sama sama namin yun pinanood. hiniling ko na sana ay maging maayos na ang lahat.nawala lang ang tingin ko sa mga fireworks ng inakbayan ako ni Papa sa balikat kaya inakbayan ko din ito pabalik habang si mommy ay nakayakap sakanya. muli ko ibinaling ulit ang tingin ko sa mga fireworks.

Pulis Mahal Kita (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon