Chapter 7

24 4 0
                                    

WIKI POV
Habang naglalakad ako pauwi ng bahay nakita ko si Khione na nakaupo sa isang Gilid at tila ba may problema na dinadala kaya agad ko itong nilapitan.

"Khione?anong ginagawa mo dito?"-Wiki

"Wiki?"-Khione

"Okay ka lang ba?may pinagdadaanan ka ba?"-Wiki

Mahaba haba ang usapan namin ni Khione nun at mayroon siyang inamin na labis kong ikinagulat.

"A-ano?M-may Chronic Lymphocytic Leukemia ka?"-Wiki

"Wiki mangako ka sa akin na Hindi mo ito ipagsasabi kahit kanino lalong lalo na Kay Joshua"-Khione

"Khione parang ang hirap naman ata nito?"-Wiki

"Wiki pinagkatiwalaan kita kaya dapat tuparin mo iyun para sa akin?ha"-Khione

Wala na ako magawa kung Hindi ang mangako Kay Khione na hinding Hindi ko ipagtatapat na kahit sino na may Blood cancer siya.

JOSHUA POV
Kahit na Gabi na ay nakuha pa ako tawagan ni Khione kaya pinuntahan ko siya sa bahay medyo matamlay ito ng maabutan ko sa Bahay.

"Babe pwede dito ka lang muna please"(malungkot niyang sambit)-Khione

"Bakit hirap ka ba makatulog?"-Joshua

"Mas makakatulog ako ng mahimbing kapag nasa tabi kita"-Khione

"Teka asan ba si Manang bakit iniiwan kang nag-iisa"-Joshua

"ahh namili lang mukhang matatagalan pa iyun si Manang dahil marami kasi ako pinabili sakanya pero pabayaan muna iyun mas nagiging komportable ako kapag katabi kita ay teka kumain kana ba?"-Khione

"Hindi pa ako kumakain"-Joshua

"Hindi ka na naman kumain Hindi ba sabi ko sayo wag kang magpapalipas...kapag kasama naman kita napapakain naman kita ah paano na iyan kapag nawala ako sino na mag-aalaga sa iyo?"-Khione

Dahan dahan Kong tinitigan si Khione sa mga Mata niya para kasing may ibig sabihin siya.

"Wag mo iisipin galit ako sayo worried lang ako dahil baka magka aulcer ka niyan"-Khione

"Ngayon lang naman ako nagpalipas ng gutom"-Joshua

"Gusto mo paglutuan kita"-Khione

JOSHUA POV

>>>FLASHBACK<<<

"aalis ka na naman?"-Pipay

"Sorry emergency lang"-Joshua

"Anong oras ka naman makakauwi?"-Pipay

"Hindi ko alam eh"-Joshua

"Hayy tsk nagluto pa naman ako kasi sabi mo kakain kana tapos ngayon aalis ka rin naman pala"-Pipay

"Sorry.biglaan lang kung gusto mo takpan muna lang at  pag-uwi ko kakainin ko na lang iyan"-Joshua

"Hmm sigee bubukuran na lang kita"-Pipay

Matagal bago ko nasagot ang tanong ni Khione.ngumiti ako ng marahan sakanya.

"Wag na sa Apartment na lang ikaw na lang ang Kumain"-Joshua

"Uhm.sige sigurado ka Hindi ka nagugutom?sabayan muna lang ako kumain"-Khione

Pulis Mahal Kita (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon