Chapter 16

1K 50 6
                                    

GENERAL

After they dinner, they decided to go on a bar.

"Mag babar tayo, pero dito ka lang sa tabi ko. Hindi ka pwedeng lumayo, baka may humawak pa sayong ibang lalaki dyan." sabi ni Raiden sa kaniya na naka hawak sa kaniyang siko. Papasok silang dalawa ngayon sa bar at inaalalayan naman siya.

"Hindi naman talaga ako lalayo sayo, Raiden. Just don't flirt with other girls, dahil kung hindi iiwan kita dito."

Nilingon naman siya ni Raiden na naka kunot noo, "hindi mo ko man lang babawiin? Boyfriend mo ko."

Nag smirk naman si Synn sa kaniya at bigla siyang binatukan, "baliw. Babawiin kita. Ano sila sinuswerte?"

Ngingisi ngisi naman siya sa sagot sa kaniya ni Synn. Tinulak na rin siya nito papunta sa counter para makapag inom na silang dalawa.

Habang nag oorder naman si Raiden ng alak, may tumabi sa kaniya na isang babae habang hawak nito ang phone. Tinignan naman ito ni Synn at napak kunot ang kaniyang noo.

"Hi Raiden, pwedeng makipag pa picture?" tanong nito habang naka ngiti kay Raiden.

"Sure," Raiden. Umakbay naman sya sa babae habang nag papa picture, si Synn naman ay tumayo mula sa kinauupuan nya at dahan dahan inaalis ang akbay ni Raiden dito.

Lumingon naman ang babae kay Synn, at nginitian siya. "Hello po ate Synn!" energetic na bati nito sa kaniya.

"Hello." ngumiti siya dito.

Tumawa naman ang babae at niyakap siya, "Hi ate! Naramdaman ko inalis mo akbay ni Raiden sakin. Hahahahaha ate! Wag ka mag selos, 16 years old lang po ako! Tska po fan na fan nyo po akong dalawaaaa!" sabi nito na parang kinikilig pa.

"16 ka pa lang diba? Bawal dito yon oyy, umuwi ka na." Synn. Ngumiti lang sa kaniya ang babae.

"Pinuntahan ko lang si daddy, nanghingi lang po ako ng pera. Hahaha"

"Ah, inyo to?" Synn.

"Ay hindi, hindi po ate. Sa kaibigan ko to kaya ako nanghingi sa daddy nya." pamimilosopo nito sabay tawa.

Hindi maman alam ni Synn ang irereact nya sa katapat niyang babae. Syempre bata pa rin naman ito, ayaw nyang patulan. After nila makipag usap ay nakipag picture muli ito at umalis na ng bar.

Nag simula naman na mag inom silang dalawa habang parehong nag kukwentuhan.

"Diba babe, model ka? Saan ka nag model?"Raiden.

" Nag model ako sa Paris ng Two years and then Canada for eight months, tapos tinigil ko muna kase nag stay ako sa America ng two years. "

Tumango tango naman si Raiden sa sagot niya. Alam nya lang naman kasi before ay model si Synn, pero hindi niya alam kung ilang taon.

" Bakit ka nag hinto sa pag momodel? " tanong muli nito sa kaniya. Medyo kinabahan at nabigla siya sa tanong nito pero hindi niya pinahalata. Mabuti na lang din at dim ang lights.

"Nag enjoy muna ako sa life ko. I mean mas pinili ko muna mag travel ng mag travel, may naipon naman na kasi ako. Tapos alam mo ba nung nasa America ako, may mga guy na gusto lumapit sakin..."

Tumitig naman si Raiden sa kaniya, naging mas interesado ito dahil sa kaniyang sinabi.

" Sino? Sabi mo wala kang naging boyfriend bukod sakin? "Raiden. Tinawanan naman siya ni Synn.

" Wala nga. Sinubukan nila akong lapitan pero hindi ko sila pinapansin. Then pag uwi ko ng Pilipinas, may lalaking nagpatibok ng puso ko. "Synn.

Uminom muna si Raiden bago tumingin sa kaniya. Medyo basa pa ang mga labi nito dahil sa alak," May nagpatibok ng puso mo? Kilala ko ba?"

My TRANSWOMAN Personal Assistant||ViceionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon