Chapter 38

1.1K 58 12
                                    

GENERAL

Pagkarating sa jamming area, nag hanap muna ng pwesto sina Raiden pati na rin ang kaniyang mga kaibigan. Naupo ang mga ito sa may bandang unahan malapit sa band.

Umupo na rin sina Haelynn, Andrea, Jacey at Elle. Si Raiden naman ay nakatingin lang sa band at nakikinig kahit na nakatayo pa. Ngunit ng tumabi sa kaniya si Synn ay hinawakan nya ito sa kamay at inalalayan paupo sa tabi ni Elle.

"Hello everyone, so today is jamming day. Sa mga nahihiya dyan na kumanta you can reuqest a song so I will sing it for you, or kung para yan sa taong mahal nyo still I will sing it. But, if you want to sing pwede kayong pumunta dito sa platform at makikinig kami sa inyo. "Sabi ng vocalist ng banda nakatingin sa mga tao.

Si Synn naman ay nakikinig lamang habang pinag lalaruan nya ang kaniyang kamay sa pamamagitan ng pag tuktok ng mga daliri sa mesa.

Wala naman itong kaalam alam na tinuturo na pala siya nina Haelynn sa vocalist ng pasimple.

"Bakit ka tumatawa ha, Raiden?" nakalingon nyang sabi rito. Nakikita kasi nito ang mga ginagawa sa kaniya ng kanilang mga kasama.

"Wala naman. Ang ganda mo lang pag masdan." umiiling na sagot nito habang naka ngiti sa kaniya. Umirap naman si Synn at pasimpleng hinawi ang kaniyang buhok habang naka ngiti.

"Alam mo Raiden, matagal ko ng alam yan. Sinabi na ni mommy, at alam ko sa sarili ko na maganda ako." pag bibiro nya dito. Medyo natawa naman ang ibang mga tao sa sagot nya kay Raiden.

Subalit ang kanilang mga kasama ay patuloy lamang na tinuturo sya hanggang sa lumapit sa kanila ang vocalist.

"Hi Ms. Emersynn Reyes." pag bati ng vocalist sa kaniya. Napalingon tuloy sya bigla dito.

"oh, Hi." nginitian nya ito.

"I'm inviting you to sing in front of us." Vocalist. Napanganga naman sya bigla at lumingon sa mga kasama nya. Ngunit patay malisya lang ang mga ito at kung saan saan naka tingin.

"Kakaganyan nyo, mas nahahalata ko kayo ah. Kayo ah. Mga vaklang twoh." Tumayo na sya habang natatawa pa rin. Lumingon sya kay Raiden bago ito irapan ng pabiro.

"May alam ka talagang hambog ka, kaya pala tawa ka ng tawa dyan." inalalayan naman siya nito na maka alis sa pwesto at sinamahan papunta sa platform.

Pagkarating nya sa platform ay hiniram nya ang gitara at nag simula mag strum.

"Hi everyone, I'm Emersynn Reyes and I hope that you will like this song."

Alam kong ako yung lumayo
Walang karapatang magreklamo
Ngunit bumabalik pa rin
Ang nakaraang parang kahapon

Nilibot nya ang kaniyang paningin sa mga tao, hanggang sa mag tagpo ang mga mata nila ni Raiden.

Nakatitig lang naman din sa kaniya ito at pinapanuod syang kumanta.

Two years ago, nalaman na lang ni Raiden na paalis sya ng bansa dahil sa news. Wala siyang sinabi na kahit ano dito,kahit pa pag paaalam.

Paumanhin
'Di ko sinadya
Na lumisan na lang
Kung papayagan mong tayo'y bumalik

Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
"Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin"

Ilang buwan lang ang nakalipas, mula ng bumalik sya sa pinas, ngayon kasama nya na ulit si Raiden dahil nakiusap ito sa kaniya na sya na lang ulit ang maging personal assistant.

My TRANSWOMAN Personal Assistant||ViceionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon