Chapter 31

918 54 7
                                    

RAIDEN

"Sabihin na lang natin na kaya kasama ko ngayon si Flame ay dahil nagkaayos na kami, friends na kaming dalawa." sabi ko sa interview ko. Tumingin ako sa kanan ko dahil kay Flame, doon siya naka pwesto.

"Maayos kaming nag usap, nag paalam siya sa boyfriend nya na magiging personal assistant ko siya. So no worries. And besides, okay lang naman sa kaniya. Kaya wag nyo ng gawing issue ang bagay bagay. Okay kami ni Flame, friends kami." hinila ko na siya palayo sa media at sumakay na kami sa sasakyan.

Ilang araw na kaming ginugulo ng media, nagulat yata sa pagbalik ni Flame.

"Hindi tahimik yung buhay ko talaga kapag kasama kita. Ang daming issue." Flame. Tumingin ako sa kaniya. Naka tanaw pala siya sa labas ng bintana.

Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi niya. Totoo naman, nadadamay siya sa issue ko sa buhay.

"I'm sorry. Alam naman na nilang may boyfriend ka, at hindi ako yon. At alam mo ang kaya kong gawin kapag sinabihan ka pa nila ng masasakit na salita."

It's been two weeks, simula ng maging personal assistant ko ulit siya. Hindi na siya yung katulad ng dati na masayahin, yung laging nakatawa.

Dati, kapag hindi ako naka ngiti sa harap ng maraming tao, may geature pa yan na ngumiti man lang ako. Ngayon wala na. Hinahayaan na lang niya ako.

"Bakit tayo nandito?" tanong niya.

Hininto ko kase yung sasakyan dito sa isang milktea hauz.

"Let's go. Magpapalamig tayo ng ulo at ng buong katawan. Isama mo na rin ang kaluluwa at spiritu."Sinamaan nya ako ng tingin sa sinabi ko pero agad ko na lang inabot ang kaniyang kamay at pumasok na kami sa milktea hauz.

"Bakit dito pa? Pwede naman cotton candy na lang sakin." Flame. Oo nga pala, paborito nya yon.

"Ibibili kita mamaya. Mag order muna tayo." Lumapit na kami sa counter. Tumingin ako sa mga flavors na nasa list. Pilit niyang inaalis yung pagkakahawak ko sa kamay nya pero syempre hindi ako papayag.

Medyo hinigpitan ko pa ang kapit sa kaniyang kamay. Pansin ko naman na ayaw nya rin na gumawa ng eksena kaya hinayaan nya lang ako. Marami rin kasing nakaharap na staffs sa amin.

"Anong flavor sayo?" tanong ko.

"Matcha and medium, sugar level is regular."Flame.

Nag simula ng mag mix ang mga staffs ng flavor na gusto ni Flame.

"Salted Caramel for me. Medium and the sugar level is regular." sabi ko. Pinag lalaruan ko lang ang kamay niya habang nag oorder rin ako ng nachos at ng siomai.

Humanap na kami ng pwesto sa pinaka dulo at sulok. Para naman walang istorbo at makausap ko siya ng maayos.

"Flame, pwede bang mag request?"

"What?" Ang sungit naman na nito ngayon. Miss ko na yung ngiti niya e.

"Napatawad mo na ba ako?" tumitig siya sa akin ng itanong ko yon sa kaniya. Napa buntong hininga siya at nag iwas tingin.

"Hindi pa rin?" tanong ko pa ulit.

"Hindi pa. Malay mo unti unti na to mag heal. Wag mo ko pilitin na patawarin kita, kase hindi naman yon pineplease sa tao. It takes time, Raiden.." Tumango ako ng sinabi niya yon sa akin.

"Ako ba napatawad mo na? Sa panloloko ko sayo?"

Inabot ko yung kamay nya na nasa ibabaw ng table at nilaro ko ang kaniyang daliri, "I did Flame because I love you. Dahil naintindihan ko na rin yung dahilan mo kung bakit ginawa mong itago sakin yung totoo."

My TRANSWOMAN Personal Assistant||ViceionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon