Chapter 24

938 53 17
                                    

RAIDEN

Tumingin ako sa pamilya ni Flame. Nakita ko yung daddy nya na wala man lang reaction. Tumakbo na ako palabas para habulin ko siya. Pag dating ko sa parking wala siya doon.

Bakit na bigla na lang ako iniwan? Ni hindi man lang niya binigay ang totoo na dahilan.

Sumakay ako ng sasakyan ko at nag drive na ako paalis sa resort ko.

Bakit hindi niya ako kayang pakasalan?

Pinags hahampas ko ang manibela ng magbalik sa isip ko kanina ang pag ayaw nya sa akin.

Maiintindihan ko kung bakit ayaw nya, baka hindi pa siya ready. Pero yung ganoon na iwan na lang nya ako basta basta, parang wala na akong pag asa sa kaniya.

"Hop in." Hininto ko ang sasakyan sa tabi niya, naabutan kong naglalakad siya dito sa daan.

Tumingin lang siya sakin at naglakad na naman ng may kabilisan kaya sinundan ko siya habang nag ddrive ako ng mabagal.

"Flame! I said hop in! Nag aalala ako sayo, babaeng hilaw. Now, get in and we will talk!"

"Wala tayong dapat pag usapan Raiden."

Bumaba ako ng sasakyan bago ko buksan ang pintuan sa shotgun seat. Hinabol ko sya at bigla ko na lang pinangko para madala ko sa sasakyan.

"Ano ba! Ibaba mo ako!"

Binaba ko siya sa sasakyan kasabay ng pag locked ng pinto para di siya makaalis. Sumakay na rin ako at nag drive.

"Get me out of here, Raiden!"

"Hindi kita papalabasin ng sasakyan hanggat hindi mo sinasabi sakin kung bakit tinanggihan mo yung pag propose ko sayo!"

Natahimik siya hanggang sa narinig ko yung mahina niyang pag hikbi.

"Raiden, hindi ko maibibigay yung gusto mo. Hindi kita mapapasaya, katulad ng magkaroon ng pamilya."

"Why you can't?! Flame, yung kasiyahan ko naka depende sayo. Alam mo yun! You're my happiness Flame. Hindi ako magkakaroon ng pamilya kung hindi ikaw yung magiging asawa ko."

Hininto ko yung sasakyan nang makarating na kami dito sa tapat ng bahay. Tumitig lang siya sakin at ngumiti ng malungkot.

Bumaba na rin siya kaya hinayaan ko, hanggang sa sumunod ako sa kaniya.

" Stay here kahit na ganoon ang nangyari. "

Lumingon sya sakin, "I can't stay here anymore. Alam kong ayaw mo sa taong may tinatagong secrets sayo diba? Hindi mo ako kilalang lubusan Raiden. And I am being unfair here, pinakita mo sakin yung totoong ikaw habang ako may tinatago sayo. But I did that kase gusto kong makasama ka.. "

" Tell me.. "

"Lahat ng issue sa akin totoo. I am transwoman Raiden."


GENERAL

Biglang hinawi ni Raiden ang vase na nasa gilid ng stairs ng kanyang bahay. Halatang nagulat si Flame sa ginawa nito. Galit din ang itsura ng lalaki kaya agad agad niya itong niyakap mula sa likuran para patigilin ito.

"YOU FOOLED ME, FLAME! YOU FOOLED ME!"

Marahas nitong kinalas ang pagkakayakap sa kaniya bago siya pinalayo.

"I am sorry Raiden.. Maniwala ka, humahanap ako ng chance para sabihin sayo ang totoo!"

"Anytime pwede mong sabihin sa akin yung totoo! Hindi yung ganito Flame! On our first anniversary and at the same time sa proposal ko sayo mo ako gaganituhin! Ang sakit ng nararamdaman ko dahil sa ginawa mo! Paano mo akong nagawang lokohin ha?!" buong bahay ay umaalingawngaw boses ni Raiden dahil sa lakas ng pag sigaw nya.

My TRANSWOMAN Personal Assistant||ViceionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon