Chapter 27

917 49 14
                                    

SYNN

Voy a cuidarte por las noches
Voy a amarte sin reproches
Te voy a extrañar en la tempestad
Y aunque existan mil razones para renunciar

Kasabay ng pag tango ko ay ang pag kanta ko. Nainlove na naman ako sa isang song. Ang ganda kase ng meaning niya.

Tumingin ako sa labas ng bintana,nakita ko lang ang mga ulap. Hahaha ang ganda tanawin, ang ganda ng kalikasan. I sigh happily, finally makakauwi na rin ako ng Pilipinas.

"You seem so happy." Jaypee. Tumingin ako sa kaniya at tumango. I held his hand, kaya pinag intertwined nya ang mga daliri namin.

"Yeah. I am happy. Thank you, jaypee." hinalikan ko sya sa pisngi bago ako sumandal sa kaniya sa balikat.

"Of course, I'll do anything just to make you happy." napangiti ako ng sabihin nya yon sa akin.




"Daddy!!!" agad kong sigaw ng makarating ako sa bahay namin. Medyo may jetlag pa ako but keri naman.

Nakkta ko naman si mommy na nag luluto pala, she's wearing her favorite apron. Hahahaha cute.

"Synn?! Anak!" Mom. Hinayaan ko muna ang mga gamit ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Nakakaloka, para naman kaming hindi nagkikita. Pero nag uusap naman kami sa video chat, but it's okay. Iba pa rin kapag nayayakap ko sila.

"Hi tita." Jaypee. Nag beso sya kay mommy at nagmano rin. Ngumiti sya sa aming dalawa, pero mas ngumiti siya kay Jaypee.

Alam ni mommy lahat, sa kaniya ako nag sabi. Si Haelynn, nag kwento na rin ako tungkol sa kaniya. And sabi naman ni daddy, kikilatisin muna nya si Jaypee kung gaano ako nito kamahal.

"Mabuti naman nakauwi kayo. Dito tayo sa dining, I cooked adobo and carbonara. Synn, yung daddy mo nasa office nya. Puntahan mo na lang." Mommy.

"Where's Haelynn?" Tanong ko muna.

Nag served si mommy ng adobo. Oh gosh, my favorite.

"She's with Denver. May date na naman ang kapatid mo."

What happened to them and Ashton? Hay nako. Pareho na ba kami ng lovelife? Charot.

Lumingon ako kay jaypee at ngumiti sa kaniya, "You eat muna. Babalik din ako agad dito. I'll just visit my dad." humalik ako sa kaniyang pisngi bago ko patakbong tumungo sa office ni daddy.

"Dad!!" psigaw ko pagkabukas ko lamang ng pinto. Natigil sya sa ginagawa nya at agad kong nilapitan saka niyakap.

"Anak! Daddy missed you. Who's with you? Is that Jaypee?" tumango ako sa kaniya habang naka ngiti.

Pinaka titigan ako ni daddy, bago nya hawiin ang buhok ko. "Masaya ka talaga na kasama nya?"

"Yeah, dad. He's proud to have me. Have you seen his social media accounts? Especially hia instagram, halos parang ako na lang nag mamay ari ng account nya because of my pictures."

"So you trust him that much?"

I nodded.

"Yeah. May tiwala ako sa kaniya daddy. He embraced the whole me, unlike... him." and yes, napa ngiti ako ng malungkot ng maalala ko ang isang tao na nag dulot ng sakit sa puso ko.

Napatawad na kaya nya ako?

"Ang lalim naman ng iniisip mo agad anak. Tara na, don't think about him. Maybe he's regretting of breaking up with you. Let's go, your boyfriend is waiting."

Tumungo na kami ni daddy sa dining, I saw mommy talking to jaypee. Mukhang masaya naman sila nag uusap.  Nag tatawanan kasi silang dalawa.

" Ano yan? May bonding kayo pero hindi nyo ko sinama. " kunwaring nag tatampo kong sabi bago ko umupo sa tabi ni jaypee.

My TRANSWOMAN Personal Assistant||ViceionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon