Chapter 5

1.4K 50 13
                                    

SYNN

Nanunuod ako ng tv ng may yumakap sa bewang ko at humalik sa batok ko. No other than, Raiden Maverick Villafuente. Nilingon ko siya habang naka taas ang dalawa kong kilay.

"Mmm? Why?" tanong ko at pinunasan ko ang pawis na nasa leeg niya.

"Mag bihis ka, may pupuntahan tayo na party." sabi niya sakin at may iniabot na paper bag.

Binuksan ko yon at pag tingin ko, isang black fitted dress and a silver heels. Tinignan ko siya matapos ko ibaba ang paper bag.

"Where are we going? Tska baka binawas mo yon sa sweldo ko ha!" pag bibiro ko at ngumiti siya sa akin.

"Hindi ko gagawin yon. Buo mo pa rin matatanggap yung sahod mo sakin." Raiden. Syempre, kailangan ko ng pera. Hindi porke nagka aminan kami, hindi ko na pwede kunin ang sweldo ko. Ibang usapan na kapag pera. Charot.

Pero natatakot ako. Baka one day, mag iba na lang pakiki tungo niya sakin kapag nalaman nya ang totoong ako. My true identity. Hindi pa niya alam na transgender ako.

Paano kung ayaw nya pala sa katulad ko? Selfish na kung selfish pero hindi ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Minsan lang naman ako maging selfish, at dahil sa love yon. Pero kung gusto niya talaga ako, dapat matatanggap niya ako. Ngayon lang ako natakot. Baka kasi mawala siya sakin, baka ipag tabuyan nya rin ako. Baka ideny nya din ako sa harap ng ibang tao.

"Bakit ka umiiyak?" ramdam ko na pinunasan nya ang luha ko. Umiling ako at pinunasan ko ulit ang pumatak pa. Yumakap ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa labi.

"Thank you dito, lalaking hambog. Ang ganda. I love it. Thank you. Mag bibihis lang ako ha?" paalam ko at nginitian ko siya.

Nag asikaso na ako, naligo lang ako at nag make up sandali. Sinuot ko yung bracelet, earrings and necklace na binigay nya sakin nung nakaraan.

Tumawang tuwa sya ng tanggapin ko to. Sabi niya ng makita nya ang jewelries na ito, ako agad ang naisip niya. That's why he bought these at hindi daw siya nagkamali na magbabagay ito sakin.

6 pm ng makatapos ako mag asikaso. Nag spray na lang ako ng perfume at lumabas na ko ng kwarto.

Pababa ako ng hagdan ng makita ko si Raiden na nasa tapat ng couch, nakatayo habang may hawak na bouquet of white rose. Naka ngiti siya sakin. Ang gwapo ng lalaking to oh.

"Beautiful" Raiden. Inabot na nya ang kamay ko at nilapit ako sa kaniya. Kasabay ng pag lapat ng kanyang kamay sa aking likuran ay ang paglapat ng labi niya sa aking labi.

Inabot nya sakin yung bulaklak at lumabas na kami ng bahay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya pagkasakay namin ng sasakyan.

"My friend invited me to his birthday party. Nandoon din ang iba naming mga kaibigan."Raiden.

Di ko maiwasan na hindi siya titigan, ang gwapo niya lalo sa suot nya ngayon na tuxedo. Ang gwapo na nya kasi kahit naka plain shirt at pants lang.

" Baka matunaw ako, Flame"Raiden. Natawa ako sa kaniya kaya natawa na rin siya.

Nitong mga nakaraan, mas madalas siyang ngumiti sa akin pero hindi sa ibang tao. Parang ang hirap bilhin ng ibang tao ang bawat ngiti niya pati na rin ang tawa niya, pero parang pag dating sa akin libreng libre na.

Huminto kami sa isang malaking bahay, marami na ring mga tao. Inalalayan nya ko papasok, hawak nya ako sa bewang.

"Tangna, si Rai ba talaga yan?" sabi nung isang lalaki kaya binatukan siya ni Raiden.

"Yes, this is me, Yohann Gonzales. Ang pinaka gwapo niyong kaibigan." Raiden.

Sa totoo lang ngayon ko lang nakita si Raiden na may ganyan pala syang katangian. Akala ko lagi lang siyang naka kunot noo at naka sigaw.

My TRANSWOMAN Personal Assistant||ViceionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon