Chapter 32

906 48 7
                                    

RAIDEN

"Kamusta kayo ni Synn?" Troy. Nandito kami ngayon sa bahay ni Yohann, kakatapos lang namin mag jogging. Si Flame nasa banyo.

"Okay naman kami, ceasefire. Everyday kasi kaming nag tatalo, lagi siyang naka salubong ang kilay sa akin."Natatawa kong sabi. Umakbay sakin si Troy at nginitian ako.

"Sana mag tuloy tuloy na yan, bagong simula kayo."Troy.

"Yeah. I hope so." Sagot ko bago ko salinan ng juice yung baso ni Flame.

"Bagong simula as FRIENDS, may Jaypee na kase si Flame." Dwayn. Hinarap ko siya at hinampas ko ng tinapay. Tinawanan lang ako ng loko.

"Huwag mo na ngang ipaalala sakin yang pinsan mong ugok. Wag nya lang saktan si Flame, dahil babawiin ko talaga yan." Umupo ako sa couch at hinintay ko si Flame na lumabas mula sa banyo. Pero itong mga kaibigan ko, ang lakas talaga ng tama.

"Babawiin mo sya because?" napa kunot noo naman ako sa sinabi nilang yon.

"Anong because?"

"Because?" Pag uulit na naman nila. Isa isa kong binatukan bago nag tawanan.

"Hindi mo alam yon? Nasa Because na kami, nasa sana all ka pa rin?" Lucas.

"Sana all jowa si Synn." Pang aasar pa sakin ni Dwayn. Akmang babatuhin ko ng unan ng lumayo sakin.

Nakita ko naman na nag seryoso na si Troy at Lucas kaya umayos na rin ako ng upo.

"So wala kang balak na sulutin si Flame mula kay Jaypee?" Troy.

"Wala. Kahit naman ayoko sa pinsang ugok ni Dwayn, sino ba ako para pigilan ko si Flame? Gago ako alam ko yon pero masaya sya sa kaniya, hindi ko yon hahadlangan. I respect their relationship. Sadyang masaya lang asarin si Jaypee. Pikon kase." Si sir Lejandro, alam kong gusto nya na kunin ko si Flame mula kay Jaypee, ayaw nya doon. Alam ko yon. Sinabi nya sa akin, tska halatang halata naman na ako ang gusto nya for Flame.

Pero wala akong balak na sulutin o agawin si Flame. Kaya kong mag hintay, subukan nya lang talaga na saktan si Flame.. doon ako walang pag dadalawang isip na ako na maglalayo kay flame mula sa kaniya.

"Tara bonding tayo!" Flame. Tumingin ako sa kaniya, naka ngiti siya sa akin.


Tumagal pa kami ng ilang oras kina Yohann, pinag mamasdan ko lang si Flame habang kumakanta kasama nina Lucas.

"Hands off." hinawi ko yung kamay ni Lucas na naka akbay sa kaniya. Tumingin naman sakin si Flame na naka kunot noo.

"Inaakbayan ka kase. Bawal nga diba." Ito namang Lucas na to, binabalik pa yung pagkaka akbay. Nakita ko yung mga kaibigan ko na nakatingin sa akin.

"Nagseselos ka because?"

"Isang because pa, tatadyakan ko kayo isa isa."

10 am ng umuwi kami ni Flame. Naligo na rin siya at nagpalit ng damit. Ganoon din ang ginawa ko. Pumunta na akong kitchen para mag luto ng pagkain namin.

"Hello kuya! How's your date with ate synn?" Elle. Humalik siya sa pisngi ko.

"Hindi naman kami nag date, nag jogging kami." sabi ko kaya tumango tango siya. 

"Ah, hindi yon date kase kasama nyo sina kuya Lucas. Ang hina mo naman kuya. Hahaha" Elle. Nang aasar na naman siya sa akin. Nginitian ko siya bago ako napailing.

"Nasaan si Jacey?" Kumuha na ako ng flour para gumawa ng chicken lollipop.

"she's preparing pa lang kuya. Pareho kasi kaming puyat, kase late na kami natulog ni ate jacey. Nanuod kami ng K drama." Elle.

My TRANSWOMAN Personal Assistant||ViceionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon