Chapter 36

883 55 31
                                    

GENERAL

"Uy sis, akala mo ba hindi ko napapansin? Bakit malungkot ka ha?" Haelynn. Naka higa sila ngayon sa isang kama dahil naisipan muna nila na mag pahinga.

Lumingon naman sa kaniya si Synn dahil nag aayos ito ng gamit, "Hindi ah. May iniisip lang ako. Ito talagang bruhang to." sinabayan nya ng tawa ang kaniyang pag sagot.

"Umamin ka na sakin. Alam kong hindi kayo okay ni Jaypee, kaya ka nga sakin tumabi diba?" Haelynn.

Tuluyan na siyang umupo sa kama at hinarap ang kaniyang kapatid. Umayos rin ng upo si Haelynn at handang makinig sa kaniya.

"Hindi ko masabi na hindi kami okay, kase nagpa-pansinan naman kami. Kinakausap nya ako, at ganoon din ako. Pero pakiramdam ko, ako yung may problema, Lynn. I think I'm jealous to her.. to andrea." kinagat nya ang kaniyang labi at bahagyang yumuko.

"Ah so pati kaya pala si Raiden, hindi mo kinakausap kanina. Bakit ka mag seselos? May kayo ba?" Haelynn.

Napa buntong hininga naman sya at napa hilamos ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.

"That's the problem Haelynn, girl. Walang kami ni Raiden pero nasasaktan ako nung halikan nya si Andrea sa pisngi. Kahit nandito naman si Jaypee, bakit hindi ko ma feel?"

Tumingin naman si Haelynn sa labas at nakita nya sina Andrea at Raiden na naghahabulan sa may tabing dagat, lumingon siya muli kay Synn.

" Hindi mo sya maramdaman na nandito because patuloy mo ngayon nililingon ang taong nanakit sayo. Don't tell me, nawawalan ka na ng pagmamahal kay Jaypee?" Haelynn.

Nginitian nya lang ang kaniyang kapatid ng tipid, "I don't know Haelynn. Yeah, maybe tama ka. Pero alam mo yon, sanay na ako na wala sya sa tabi ko? Kahit pa magkausap kami through video calls, hindi ko alam kung masaya pa ba ako. May nagbago Haelynn."

Napa iling na lang ang kaniyang kapatid bago ito umalis ng kama. Tinapik pa siya nito sa balikat at hinalikan sya sa pisngi.

"Forget that problem for a while, mag eenjoy muna tayo dito sa Bohol. Tapusin mo na yan, and get up! Tatawagin ko sina Elle and Jacey, maglalaro tayong volleyball."Haelynn. Tumango siya dito at bago tuluyan na lumabas ang kaniyang kapatid ng kanilang room.

Sa kabilang dako naman, mag hahabulan sina Raiden at Andrea sa tabing dagat.  Nananahimik lang naman si Andrea kanina na nakaupo sa buhanginan ng lapitan sya ni Raiden at sinabi nitong 'taya'

"Wait, hinihingal ako, Rai! Oh gosh!" huminto muna ito at nag habol ng hininga dahil sa kanilang pag takbo. Umupo naman si Raiden sa buhanginan bago mag hagis ng mga maliliit na bato sa tubig.

"Rai, can I ask?"

"Nag tatanong ka na nga." Raiden. Binatukan nya ito bago sya tumabi dito ng upo.

"About Synn, why she's not talking to me? She smiled at me naman kanina noong papunta tayo dito. And she's not talking to you din pala. What happened ba?" Andrea.

Nilingon naman siya ni Raiden habang naka kunot noo, "she got jealous to us. Noong hinalikan kita sa pisngi kanina. Elle told me na umiyak si Flame."

"Ow, that's why. Wala naman na yon. Your friends just teasing us lang."

Napatawa naman si Raiden dahil sa way ng pag sasalita ni Andrea, "Alam mo ba, ganyan si Flame mag salita before? Minsan pag tinotopak yon, ang conyo pero madalas normal naman mag salita."

"Magkakasundo pala kaming dalawa. I need to talk to her na pala! And ikaw, wag ka mabagal sabi ko naman sayo diba? Mabuti pa ako may boyfriend na." Andrea.

My TRANSWOMAN Personal Assistant||ViceionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon