Kay bigat ng pakiramdam ko
Pakiramdam koy nasa ilalim ako ng malamig na tubig
Gusto kong sumigaw ngunit walang lalabas na salita sa aking bibig
Gusto kung umahon ngunit hindi ko makaya,
Ang bigat ng tubig at lalim nitoy hindi ko kakayanin...Baka gusto ko lamang tumakas sa magulong mundo
Baka gusto kung gumawa ng mundong kung saan kontrolado ko
Pagod na ang puso at isip ko
Pakiramdam koy sasabog na ang mga ito...Gusto kung matulog, pakiramdam koy pagod na pagod
Ngunit bakit hindi dalawin ng antok
Kahit pakiramdam koy akoy pagod na pagod
Gusto ko ng mag pahinga, para sa ganon akoy may lakas pa na harapin kung ano pa ang mga unos na darating pa...Gusto kung mag patuloy, ngunit paano ba?
Pakiramdam koy hindi na ako makaka ahon sa malalim na tubig kung saan ako ngayon naroon
Iahon nyo ako dito, ayokong maiwan mag isa sa malalim na tubig...
Iabot mo ang iyong kamay baka sakaling ma iahon ako sa karimlam...Ang puso koy puno ng lungkot...
Ang isip koy pagod na...
Ang kaluluwa pakiramdam koy nakakulong na sa malalim at malamig na tubig...
Paano pa ba?
May pag asa pa ba?
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Aking Puso(Tula At Istorya)
PoetryAng mga tula ng aking puso, ay likha ng aking malikot na imahinasyon at ng aking Pusong puno ng emosyon... Sanay magustuhan nyo po ❤️😘