Saan nga ba banda nag kulang?
Saan nga ba hindi natugunan?
Saan ba may pag kukulang at hindi pa sapat ang mga kailangan?Minsan napapaisip ano nga bang meron sa dulo ng walang hanggan
Baka naman nandoon ang mga kasagutan sa mga tanong kung may kahirapan.Kung sana maaaring sagutin ng simpleng Oo, ang mga tanong kong itinatago sa puso ko
Para naman hindi komplikado ang mga sagot mong maaaring sumaksak sa puso ko.Kung sana hindi na malabo, para naman masagot na ang mga tanong ko
Masaktan man ako at mawasak iyon na lamang ang totoo
Kaysa naman itoy kasinungalingan sa kaibuturan naman nitoy bulokKung inaalala mo akong masaktan
Huwag mag alala at mag alinlangan
Dahil pag katapos ng sakit ay kasiyahan.
Huwag mag atubiling sagutin ang mga tanong kung may kahirapan
Dahil ang mga pasya ko naman lagi para sayong kabutihan...
ANA Anne_
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Aking Puso(Tula At Istorya)
PoetryAng mga tula ng aking puso, ay likha ng aking malikot na imahinasyon at ng aking Pusong puno ng emosyon... Sanay magustuhan nyo po ❤️😘