Kapwa Tao

12 1 0
                                    

Ang buhay koy parang isang dagat na  puno ng alon.
Minsan nga'y muntikan na akong malunod dito..
Lalo na sa panahong may malalakas na bagyo at unos.
Wala kang makakapitan kundi ang sarili mo...

May mga taong handa kang pabagsakin at maliitin,
At ang alam lang ay pagandahin ang sarili nilang baluktot na gawa.
Gagawing tama kahit pa nga itoy hindi naman uubra
Ngunit ano ka nga ba sa paningin nila?

Ikaw na gusto mo lang maging masaya,
Walang inggit at  kumpetisyon sa iba
Kundi pantay at respetong  pagtingin ng bawat isa.
Iyon lamang para mag kaintindihan ang bawat isa.

Ano ba ang pakikisama kung lahat naman ikay masama
Kahit pa nga ginawa mo ang tama pero sa paningin naman  nila'y hindi kaaya aya
Tandaan mong hindi ka magiging mabuti sa mga mata nila...
Dahil ang mga sarili lang nila ang magaling sa kanila...

Gayunpaman piliin mag paka buti,
Kahit pa nga hindi naman maibabalik sayo...
Huwag mag tanim ng galit o mag himutok.
Dahil ang tanging kailangan lang
Maging kaaya aya sa paningin ng diyos...

Mga Tula Ng Aking Puso(Tula At Istorya) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon