Mga mata mong tila nang aakit... Pakiramdam ko akoy nasa langit
Sana ibaling man lang sakin
Kahit hindi naman para sa akin...Kay sarap sigurong makipag titigan sayo
Kung sana para sa akin at hindi sa katabi ko.
Yong mga titig mong puno ng emosyon...
Na para naman sa kaibigan ko.Minsan ba naisipan mong ibaling man lang sakin ang yong tingin?
Pangarap ko kasing masulyapan mo man lang kahit saglit...
Pero alam kung hindi maaari, dahil ang mga mata moy nakapagkit sa katabi kong ka akit- akit...Ano kaya kung sakaling ako'y madulas?
Ma ibabaling mo na ba sa akin ang yong tingin?
Dahil gusto ko ding mapansin mo,
Kahit man lang pagtawanan mo....Sa pangarap ko nalang ba tayo mag tititigan?
Hindi ba maaari kahit minsan lang
Maranasan ko man lang akoy iyong pahalagahan kahit man lang sa isang sulyap lang...Gaano ba kasakit sa akin na malaman na ikay hindi para sa akin...
Lihim kong pagtingin sayoy mananatiling lihim....
Itatago at ibabaon ko sa aking puso
Na ilalabas ko at huhukayin sa akin lamang panaginip.........
ANA Anne_
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Aking Puso(Tula At Istorya)
شِعرAng mga tula ng aking puso, ay likha ng aking malikot na imahinasyon at ng aking Pusong puno ng emosyon... Sanay magustuhan nyo po ❤️😘