Age Doesn't Matter

15 1 0
                                    

Sabi nila "age doesn't matter." pag dating sa pag ibig.
Sabi nila basta nag mahal ka at walang nasasaktan, ito'y tama.
Wala kang inaapakan na sino man
walang kang dapat ipag alala
Basta nag mamahalan kayo, itoy
Tama!!!

Pero bakit sa ating dalawa ang
kasabihan na ito'y hindi umubra
Bakit sa atin hindi naging tama?
Walang sinasaktan ngunit hindi parin tama
Ano nga bang kasabihan ang sa atin ay akma.

Kay daming tumututol sa ating dalawa.
Ano ba ang mali kung nagustuhan kita
Pangarap na kita noon pa,pero bakit ngayon akin kana, tutol lahat sila.
Nag mamahalan tayo yan ay totoo
Maligaya tayong haharap sa kanila.

Sino bang may karapatan mag sabi ng hindi bagay ang dalawang nag iibigan,
Kung malaki ang agwat ng edad nila.
Kung akoy mahal nya at mahal nya
rin ako
Kahit anong estado at edad  pa yan ng isang tao,
walang sinuman ang may karapatan humusga dahil lamang sa agwat ng edad nila.

Kasalanan ba naming dalawa kung akong lalaki ang mas bata sa kanya?
Hindi na ba tama umibig sa kanya?
Abo bang masama kung sya'y mas matanda?
Isang malaking pagkakasala na ba?
Patawarin ako dahil, ang pagkakasalang ito ay babalikbalikan ko
Kung sya lamang ang tanging makakasama ko.

Tutol man ang buong mundo,
Kasalanan man ang pag ibig na ito,
Ipaglalaban ko kahit kasuklaman ako,
Dahil tanging ako lang ang nakakaalam ng kaligayahan ko,
Mahal ko sya kahit tutulan nyo,
Mahal ko sya ng higit pa sa buhay ko
Kaya ipag lalaban ko, kahit akoy itakwil nyo.....

Mga Tula Ng Aking Puso(Tula At Istorya) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon