Ikaw Ang Ligaya Ko

12 1 0
                                    

Sa edad kung hindi na masasabing bumabata ako
Sa araw-araw na nag iisa ako
Sa mga panahong kailangan ko ng kausap, karamay sa lahat ng problema ko
Mag isa kung hinaharap dahil wala akong katuwang sa buhay.

Akoy masasabing financially secure na sa buhay
Pero bakit pakiramdam ko may kulang
Kasiyahan kong nakukuha sa materyal na bagay ay tila bakit kulang?

Hanggang sa nakilala kita...
Binago mo lahat ang paniniwala ko
Pinatibok mo ng mabilis ang puso ko
Sa sobrang bilis para na itong sasabog
Ganoon ka din ba aking irog? o ako lang ba ang nakakaramdam nito.

Ang kulang sa akin ang sya mong pinunan
Kung saan saan ko hinanap sayo ko lang pala matatagpuan
Ang mga tanong kung nasaan ba ang aking tunay na kaligayahan
Sa katulad mong simpleng tao lang pala ang kailangan

Papayagan mo bang bumaba ako sa aking kinalalagyan?
Kung iaabot ko ba sayo ang aking kamay iyo bang hahawakan?
Kung oo handa kong iwan ang karangyaan aking nakasanayan
At sasama ako at titira sa isang simpleng pamumuhay
Basta hawak mo ang kamay ko at hindi mo bibitiwan
Mananatili ako sa tabi mo at hindi ka iiwan

Sa iba maaari ito'y kabaliwan!
Masisisi ba ako kung pipiliin ko'y aking kaligayahan
Dahil aanhin ko ang materyal na bagay,
Kung pakiramdam ko nama'y may kulang
Ang salapiy ay nandyan lang, ngunit ang kaligayahan moy minsan lang darating sa iyong buhay
Kaya naman hindi na kita pakakawalan at hahayaang maglaho kailanman sa aking buhay.

Mga Tula Ng Aking Puso(Tula At Istorya) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon