Sa mundo mong wala ako...
Sa mga daan dinadaanan mo...
Alam kung hindi tayo mag kakasalubong, kailanman...
Kaya naman nararamdaman koy puno ng karimlan...Tatanawin ka nalang sa malayo
Alam kung imposibleng makalapit sa iyo...
Dala ko ang lungkot sa katotohanang iyon...
Na para bang dinudurog ang pusoPinapanood lahat ng galaw mo, at ang ngite mong nakapagkit sa mga ala ala ko....
Na para bang isang sikreto na itatago kailan man sa puso ko...
Na muli ko nalang aalalahanin tuwing akoy nanabik sayo...Maaaring mag mukha akong baliw sa harap mo...
Ngunit tama ka sa ini isip mo.
Baliw na baliw na nga ako sayo....
Baliw sa pangarap kung maging tayo.
Kahit pa nga imposibleng mag katotoo....Nararamdaman ko sayoy alam kung walang patutunguhan...
Gusto ko na tong tigilan...
Dahil imposibleng mag karoon ng kasagutan ang damadamin kung nararamdaman....Maaari ngang akoy duwag,...
Pero gusto ko na tong tigilan...
Dahil ang mundo koy umikot, sayo lang naka tuon ito...
Bibitawan na kita ng akoy maka pagpatuloy,
Upang lumaya na rin ako,sa lungkot at pangarap sayo...Dahil pag nag tagal pa ako...
Baka hindi na kayanin ng puso ko...
Na ang silakbo ng damdamin ko..
Lungkot lang ang laman nito...
Kaya naman ngayon Paalam muna pangarap ko......Papapahingahin ko lang muna ang puso at isipan ko
Palalayain ko na rin sa lungkot ang sarili ko
Dahil mula ng makilala at ibigin kita
Nakalimutan ko ng mag pakatotoo
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Aking Puso(Tula At Istorya)
PoetryAng mga tula ng aking puso, ay likha ng aking malikot na imahinasyon at ng aking Pusong puno ng emosyon... Sanay magustuhan nyo po ❤️😘