ITA 27

29 3 0
                                    

ENVIRONMENTAL FAIR PREPARATION

"Asan si Fana?" Tanong ni Ma'am Talabong na ngayon ay naggugupit ng mga printed na mga picture ng non-bio at biodegradable.

"Nasa Munisipyo po Ma'am kinakausap po yung taga MENRO para po dun sa mga materials." Sagot naman ng sekretarya ng SSG. Hindi na naman si Ma'am sumagot at pinagpatuloy lamang ang ginugupit nito.

"Aray," Mahinang daing ni Vaseline kaya napatingin ako dito. Nakahawak ngayon ito sa daliri niya at hinihipan-hipan?

"Anong nanyare diyan?" Tanong ko kay Vaseline kaya nabaling sa akin ang kanyang atensiyon.

"Napaso ako nito ate," Maluha-luha niyang tinuro ang kawad na dinadarang namin sa apoy ng kandila para mabutas ang mga takip ng mga bottle na hiningi at nilinis pa namin sa MENRO.

"Hala baka maglabtok yan," Sabi ko naman sa kanya at kinuha ang kamay niya. "Teka wait may band aid ata dito." Tumayo ako at lumapit sa First aid kit na nakita ko kanina. Kumuha ako ng isang band aid saka muling lumapit kay Vaseline.

"Salamat ate" Sabi nito sa akin saka niya ako binigyan ng napaka-inosente niyang ngiti. Kaya binigyan ko din siya ng ngiti.

Pinagpatuloy namin ang pagbubutas nung mga takip. Gagawin daw namin itong kurtina at pamispisan para sa bahay kubo naming gagawin sabi ni Fana.

"Ahh ang sakit na ng kamay ko," Reklamo ng isa naming kasamahan kita ang pamumula ng kamay niya.

Kung mapapansin ninyo ay puro kami babae. May iba kasing pinagawa daw sa ibang mga lalaking bumagsak ang SSG.

"Ma'am 11:53 na po," Sabi ng isa pa naming kasamahan. Napatingin naman si ma'am Talabong sa kanyang mamahaling relo.

"Exact 12:00," Maikling sagot ni Ma'am Talabong. Nagpatuloy na uli siya sa kaniyang ginagawa. Napaka strikto talaga nito lalo na sa oras. Subalit hindi mo magagawang magalit sa napakaamo nitong mukha na tila isang tingin lamang nito sa iyo ay mawawala na ang galit mo.

Wala kaming ibang nagawa kundi hintayin na magsaktong 12:00 para makakain na kami. Hindi pa naman kami talaga gutom kasi nag meryenda naman kami kanina.

"Honey!" Napatingin kaming lahat sa pinto ng biglang may hingal na hingal na lalaki ang nandoon. Si Ma'am Talabong lamang ata ang hindi tumingin doon.

"Mr. Baltodano Don't shout," Malamig na wika ni Ma'am Talabong. Subalit hindi naman ito pinansin ni Zeron? o Samael? Nalilito parin ako sa kambal na iyon.

"Zeron Bakit ka nandito?" Parang gulat na gulat na sabi ni Vaseline. Hindi uli ito sumagot at seryosong lumapit sa kay Vaseline. Kinuha nito ang kamay ni Vaseline na may paso.

"Anong nangyari sa daliri mo?" Madilim nitong tanong.

"Napaso lang ako--Teka pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ni Vaseline pero hindi na naman siya sinagot ni Zeron. Sa halip ay hinigit siya nito palabas.

"Teka Zeron saan mo ako dadalahin?" Naguguluhang tanong ni Vaseline. Wala siyang alam sa nangyayari.

"Clinic," Maikli nitong saad. Habang kaming lahat ay nakatingin lamang sa paglabas nila. Huli na nang marealize namin na kinuha si Vaseline.

"Ma'am!! Si Vaseline nakidnap ng intsik!"Napatingin naman kami sa isa naming kasama na umimik. Oh my god! Si Vaseline Kinidnap?!

Chasing the VillianessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon