ITA 10

58 7 0
                                    


Chapter 10

" Claire! Mali na naman 'yang ginagawa mo !" Sigaw na naman ng instructor namin.


Nakaka-inis na ako nalang lagi ang nakikita ng isang 'to.


Tinaasan ko siya ng kilay . " San' na naman ba ako nagkamali ?" Inis ko na siyang tinanong .


" 'Yang lakad mo ayusin mo ." Sabi lamang nito at hindi pinansin ang inis ko.


Nagrampa na uli kami . Damn! Ang daming maling galaw ni ampon ba't 'di siya kina kagalitan . Favoritism tsk.


*bam* Natapilok si ampon . Tumawa naman ako ng malakas .


" Remi are you okay ?" Nag-aalalang tanong ni Aidan dito. Siya pala ang escort ng ampon na iyon .Tsk bahala ! magsama na pati sila ! as if I care!


Tinulangan ni Aidan si Ampon na makatayo at si ampon damang dama ang pagkakayakap niya kay Aidan . Ang landi talaga!


" Tapos na muna ang practice natin . Aidan Dalhin natin siya sa infirmary ." Sabi ng instructor naming .


" Yes ma'am ." Tugon naman ni Aidan .Like duh ~ Hindi niya ba ako guguluhin ngayon ?


Kung ganoon mabuti . Malaya akong hanapin si Isen .


Sakto naman na nandito na ako sa harapan ng first section at nakita ko si Isen na nagbabasa ng libro .


" boo!" panggugulat ko sa kanya pero walang naging epekto sa kanya . Tumingin lang ito saglit sa akin at saka muli ng tumingin sa kaniyang binabasa .


" Anong kailangan mo ?" Malamig nitong tanong sa akin .


" Masama na bang bisitahin ka ?" Pagbabalik ko ng tanong sa akin .


" Hindi naman ," Sabi niya ng hindi sa akin nakatingin . " Nagiging masama lang ang takbo ng kapaligiran kapag malapit ka ." Dagdag niya pa . Galit ba siya sa akin ? Alam ko ako 'yong may tampo pero hindi ko siya matiis kaya andito ako ngayon .


" Ang harsh mo naman sa akin." Peke akong ngumiti at hindi pinakita na naapektuhan ako sa sinabi niya .


" Kung tinatanggap mo nalang kasing kapatid mo si Remi edi sana mabuting magkaibigan tayo ngayon." Sabi ni Isen at isinara ang kanyang librong binabasa .


" Hindi iyon mangyayari ." Tanging tugon ko .


" Isen si Remi na sa infirmary ." Agad namang na baling ang atensyon doon si Isen .


Napatayo siya sa nalamang balita. Nali-ay lamang naman 'yon ah .Ang layo pa nong mamatay tsk.


Naiwan ako mag-isa sa loob ng classroom nila . Tumayo na rin ako para lumabas pero narinig kong naglock ang pinto no'n kaya agad akong napatingin .

Chasing the VillianessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon