ITA 13

58 7 0
                                    

Chapter 13

“ Iyon ang main hall . ‘yan na rin ang lahat, napakita na naming sayo dito.” Tinatamad na wika ni Claire


“ Ah ,” Napatango- tango ang babae at bumaling ang tingin sa binata at sa dalaga  .



“ Thank you kuya at  ate . Ako nga pala si Vasiline Cham.Galing ako sa Eastern Girls University. Puro kami lahat doon babae kaya panigurado panibago rin sa akin ang makakasalamuhan ng isang lalaki.” Sabi ng babaeng nagngagalang Vasiline .Kumindat pa ito sa binata na ikinatawa naman nito at ikinainis naman ng dalaga.


“ Pwede ba ‘wag kayong maglandian dito sa harap ko.” Halata sa boses ng dalaga  ang pagkainis kaya napahagikhik si Vasiline.


“ Hindi naman kami ate naglalandian .” May halong pang-iinis ang boses ng babae.


“ By the way kuya , ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong ng  babae .


Agad namang sumagot ang binata , “ Aidan Ruem Briar nga pala .” Pagpapakilala ng binata at saka naglahad ng kamay .



“ Oh?Aidan ?” Napatanong ang babae sa sarili niya . Tumingala pa ito ng kaunti na tila ba nag-iisip .



“ Ah oo ! Ikaw pa la iyon . ALam mo kuya sikat na sikat ka sa school namin . Lagi kong naririnig ang pangalan mo sa bawat sulok ng paaralan namin.” Sabi ng babae at para bang batang nagpatalon talon.


“Hindi ko iyon alam ,” Sabi ng binata at saka napabaling ang tingin sa dalagang kanina pa hindi umiimik . Ngayon ay masama na ang tingin sa kanilang dalawa.



Hindi maintindihan ng binata kung bakit  ito nagagalit . Wala naman kasi silang ginagawa na masama  .



Tinignan niya ng matagal ang dalaga ,kaya napataas ang kilay nito at tumalikod at nagsimula ng maglakad . Na-alarma naman agad ang binata at agad na nagpaalam sa kausap na si , Vasiline.


“ Alis na muna ako Vasiline ,” Paalam ng binata .



“ Bakit naman kuya ?”  Medyo nalungkot na tanong ni Vasiline .




Tinuro naman ng binata ang papalayo ng si Claire. Doon naintindihan ng babae ang dahilan . Napatango tango ito .



“ Sabi ko na kasi sayo kuya e , Nagseselos ‘yan .” Utas ni Vasiline . Sinagot lamang naman ito ng binata ng isang mapait na tawa .




Sumunod na ang binata sa naglalakad na dalaga . Inakbayan ng binata ang dalaga na ikinasama  lalo ng tingin nito .



“ Bitaw !” Inis n autos ni Claire sa binata .


“ Okay , Okay . Chill babie.” Sabi nito tsaka tinanggal ang pagkaka-akbay sa dalaga.


“ Sa’n  ka pupunta ?” Tanong ng binata sa dalaga .


“ Bakit mo inaalam ?” walang ganang sagot ng dalaga . 


“Sasama ako .”  Tumigil sa paglalakad ang dalaga at humarap sa binata . “ Kailangan ba’ng kung nasaan ako nandoon ka rin ?” Walang emosyong tanong dalaga .



Napa-isip ang binata, “ Pwede rin , para mapanatiling  ligtas ka .” Nakangiting saad nito.


“ Sa tingin mo hindi ko kayang mapanatiling  ligtas ang sarili ko ?” Napatawa ng mapakla ang dalaga .



“ Iba pa rin kasama mo ako . Babae ka ---.” Hindi natapos sa pagsasalita  ang binata dahil sumabat agad ang dalaga .




“ At sa tingin mo ganoon ako kahina para hindi maipagtanggol ang sarili ko kung mayroon mangmasamang tao ang gumulo sa akin ?” Nakapamay-awang ng tanong dalaga .



Sa sagot pa sana ang binata kaso ay tumalikod na ang dalaga at nagsimula ng maglakad . Ngunit bago ang nagsalita muna ang dalaga , “ Huwag kang susunod.” Na sinunod naman ng binata . Ayaw nitong mas lumalim pa ang galit sa kanya ng dalaga . Kaya niya sinunod ang utos nito .



“ Hays ! Kung alam mo lang Claire kung gaano ko kagusto na lagi kang nasa tabi ko .” Napabuntong hininga  ang binata at saka tumalikod sa kasalungat na deriksiyon kung saan pumunta ang dalaga .




Habang naglalakad ang dalaga ay hindi niya akalaing makikita na naman niya ang baguhang si Vasiline .



“ Uy, Ate Claire !” Bati ng babaeng si Claire na para bang hindi makapaniwalang nagkita muli sila.



Nag-init ang ulo ni Claire Makita niya ang babae.Ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa babae.



“ Uy , Hey !” Masigla niyang bati rin sa babae. Nalimutan agad niya ang ngalan nito kaya hindi niya nabanggit ang pangalan nito.



Ngumiti ang babae at agad inangkla ang braso sa braso ng dalaga ,Naikina-inis niya .


Close ba kami ? – natanong nalang bigla ng dalaga sa kanyang isipan .




“ Alam mo ate ang gwapo ni Kuya Aidan ,” Panimula ng babae.



I know –sa isip ng dalaga

“ Alam mo ate pagnaging boyfriend ko si kuya Aidan—.” Natigilang ang babaeng si Vasiline ng biglang marahas na  tanggalin  ni Claire ang braso nito sa braso ng dalaga .


“ Hala , Ate may nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan ,” Tila ba may pagkapilyo ang  ayos ng pagtatanong nito sa dalaga .



Sa halip na sagutin ng dalaga ang babae at lumayo na lamang siya at kanina pa siya na-iinis sa babaeng iyon.



“ Ate ,wag ka na magselos , Ikaw lang mahal ni kuya Aidan !” Tumatawang sigaw ng babae.May pagkapilyo ang babaeng si Vasiline na hindi nagustuhan ni Claire.



“ Ako ? Nagseselos ?” Umaksyon pa ang dalaga na itinuro ang sarili . Napatawa siya ng dalawa. “ Over my dead body .”



“ Alam mo ate pagnaging boyfriend ko si kuya Aidan—.”Naalaala niya ang  tinuran kanina ng babae .’ Di umanoy Nag-init ang kan’yang ulo .



Naalala niya ang ngiti ni Aidan noong kausap nito ang babae , Hindi niya mapag-alaman kung bakit sobrang init ng dugo niya sa tuwing nakikitang may kasamang iba ang lalaki .



Ayaw man ng dalaga na maramdaman iyon ngunit wala siyang magawa ,hindi na niya makontrol ang katawan niya .



Nagbalik sa wisyo ang dalaga ng matanaw nito ang  Kanyang kapatid na ang tawag niya ay “ Ampon”. 



Nakayuko ito at may inaabot na tila isang regalo sa isang lalaki. Nag-init lalo ang ulo ng dalaga dahil nakita na naman niya si ampon . Napatawa rin siya ng bahagya dahil sa napag-alam .




THE NERDY BITCH IS A CHEATER!



“At ang kasalukuyang Campus King pa ang kanyang punterya ngayon,”Napatawa uli ang dalaga ng para bang hindi makapaniwala .




“Hindi talaga maalam makontento ,”  Naka-ngising inilabas ng dalaga ang kanyang  cellphone at kinuhaan ang dalawa . Tila naging isang maniniyot ang dalaga,sa bawat pagkuha ng bawat Angulo .




“ This is your down fall , bitch .” Nakangiting bigkas ng dalaga habang nakatingin  sa larawang nakuha niya .






















Chasing the VillianessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon