Mali yung una kong napublish na chapter 6 pasensya
CHAPTER 6
Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong guluhin ako ni Aidan. Simula talaga nang magkita kami noong sabado ay hindi na talaga ako lumayo sa bahay nina Lola . May posibilidad kasi na magkita na naman kami ng monggoloid na 'yon.Kanila pa naman ang ang lupa na pinagtitirikan ng bahay nina lola. Buti na lang talaga 'di ako no'n ginugulo sa bahay nila lola .Duwag siguro haha.
Pag ako talaga ginulo n'ya sa bahay naming ,kukuhain ko ang itak ng lolo at itataga ko sa kanya HAHAHA
"Ganda ng ngiti ah," naglaho ang mga ngiti sa labi ko at mas binilisan ang paglalakad ko. Takte ! nandyan na namna siya . Kailan kaya ako nito titigilan. Nawawalan na rin ako ng time sa pambubully kay ampon at sa kay Isen.
"uy, nagmamadali ka ba ?" Ngayon ay kapantay ko na siya . Binilisan rin niya rin pala ang paglalakad.Ugh!
Hindi n'ya ba nahahalata na ayaw ko siyang kasabay. Gan'on na ba siya ka manhid?
"Oo eh,"Sabi ko at nginitian siya ng peke .
"gano'n ba ? my dalen. Gusto mo sabayan kita?"masigla nitong bigkas na ikinasimangot ko naman .
"Hindi! 'wag na lang ," madiin kong pagtanggi sa kanya . Napipikon na ako sa kanya .Wala na ba siyang ibang tao na pwedeng guluhin?
"ba't ayaw mo?" Tanong niya uli .Argh!!
Tumigil ako sa paglalakad ,napatigil rin naman siya .Hinarap ko siya ng may inis sa akong mukha .
"Kasi ayaw ko! Hindi ka ba maalam makiramdam hah?Kung pwede lang 'wag mo na akong guluhin kasi nakakainis na !" Napapasigaw na ako sa inis sa kanya .
"hindi naman kita-."May sasabihin pa dapat siya kaya lang ay hindi ko na siya pinatapos,sumingit agad ako
"Bullshit!" Madiin kong bigkas at mabilis na tumakbo.
"Dalen," rinig kong tawag n'ya bago pa man ako makalayo .
Oh God,buti na lang 'di na s'ya nakasunod.
Hindi ako tumuloy sa classroom naming sa halip ay pumunta ako sa Library hindi para mag-basa kundi para malasap ko ang tahimik na kapaligiran.
"Magaling na pala si fafa Aidan?" Narinig kong sabi ng babae na naka-upo malapit sa lamesa kung saan naroroon ako.
"Oo bes , Ngayon mo lang nalaman? Tagal tagal n'ya na rin na nakakapasok ah,"sagot ng babae na kausap ng babae na unang nagsalita.
"Madalas akong absent ih, tsaka hindi ko s'ya masyadong nakikita." Nakangusong sagot ng unang babae na nagsalita.
"gano'n naman talaga si fafa Aidan ngayon ih, 'di masyadong nakikisocialize di gaya dati ." sagot ng babae .
Hanggang dito ba naman si Aidan parin ang pinag-uusapan . Wala na bang iba?
Umalis na lang ako sa kina-uupuan ko at pumunta sa paborito kong parti ng library.Sinaksak ko sa tainga ko ang earphone kong dala . Pinatugtog ko ang kanta ng tomorrow by together / TxT na Nap of a star. Nagagandahan talaga ako sa kantang iyon lalo na sa part ni Taehyun napakalambing.Pumikit ako at dinama ang kanta.
Napamulat ako ng biglang may kumuha ng isa kong earphone sa kanan kong tainga .Liningon ko kung sino ang kumuha n'on. Nakapikit narin siya habang pinapakinggan ang kanta.
"Isen," Tawag ko sa pangalan n'ya .
Napamulat siya ng kanyang mga mata.
Nakatingin kami ngayon sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Chasing the Villianess
RomanceShe's Claire Dalen Sonic a girl who's giving her adopted sister a hard life. She thinks that her sister stole all her possession including the love of her life, Isen. Who's been in love with her sister. Her life is such a waste until the day he met...