ITA 31

22 1 0
                                    

Simula ng umamin ako kay Aidan mas lalo pang dumalas ang panghahatak nito sa akin kung saan-saan. Tulad na lamang noong nagpapractice kami ng Festival dance para sa performance namin sa PE buti na lamang at natutunan ko agad 'yong mga steps noong binalik niya ako at naging successful naman 'yong performance namin.

I was lying in my bed staring at my ceiling. Tinatamad akong bumangon. Wala din naman akong ibang gagawin. We have five days break. May convention ang faculties sa Laguna.

Unang araw pa lang na bobored na ako. Ako lang ang tao dito sa bahay nagt-trabaho sila lola Pacing at lolo Pedro ngayon. Pakiramdam ko tuloy magiging matagal ang limang araw naming walang pasok. Tinalukbong ko ang kumot ko sa akin. Ito din ang unang araw na hindi ako dinalhan ni Aidan ng Pandesal. Baka naman may ginagawa lang. Ilang minuto pa ang lumipas ng mapagpasiyahan kong bumangon. Siguro maglalakad lakad na lamang ako dito sa hacienda nila o kaya ay pumunta sa talon katulad ng dati. Pakiramdam ko'y namula ang pisngi ko ng maalala ang tagpo ng pagkikita namin ni Aidan sa Talon na iyon. That time he's topless at kitang kita ang magandang pagkakahubog ng kanyang katawan.

"Wake up, honey. " I heard out of nowhere. It was a voice of a woman.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang pinanggagalingan ng boses pero wala akong nakitang tao. Siguro ay guni-guni ko lamang iyon.

Naglakad-lakad ako sa hacienda hanggang sa makarating ako sa burol kung saan kami unang nagkita ni Aidan. He was so creepy back then. Napangiti na lamang ako ng maalala ang mga panahon na iyon. Napakakulit niya at sunod ng sunod sa akin. I never thought na magugustuhan ko din siya dahil simula pagkabata si Isen lang talaga. But then he came, he change everything.

I almost scream when someone cover my eyes with his palm.

"Guess who?"

Binago pa nito ang boses niya na akala ay hindi ko siya makikilala. I know it's Aidan. Siya lang naman ang laging gumagawa sa akin nito. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Siya lang ang nagpabilis ng tibok ng puso ko ng ganito. I think mali ang sinabi ko sa kanyang 'I like you' because I think I'm falling with him.

"I know it's you Aidan," Tinanggal ko ang kamay niya sa mga mata ko. Lumingon ako sa kanya habang hawak parin ang kamay niya. He was smiling no he was grinning. He give me a peak kiss.

"You thief, I'll sue you!"

Mahina kong hinampas ang dibdib niya. Tinawanan lamang naman niya ako at tuluyang hinarap sa kanya. Hinapit niya ang baywang ko na dahilan ng pagdidikit ng katawan namin.

"I am willing to be jail if it is in you're heart." He said after he kissed my forehead.

He was now hugging me tightly so I hug him back. "Wake up, Claire."

"Huh?" Napabitaw ako sa yakap niya.

Napakunot naman ang noo niya ng bumitaw ako. "What's the matter, Claire." He asked.

"May sinabi ka ba kanina?"

He was confused so am I. Siya ba ang nagsabi noon? or someone said that? I was so confused kanina ay may narinig din akong ganoon subalit babae naman ang nag sabi kanina, hindi lalaki. Maybe I should ignore it. Siguro'y gawa lamang ito ng pagod dahilsa sunod-sunod na pa-project at pa-performance ng mga teachers namin.

"Nothing," I smiled at him.

"Shit I almost forgot. We need to go." He said. Hinila niya na naman niya ako katulad ng mga nakaraang araw.

"Saan mo na naman ako dadalhin?" I asked.

"You'll see if we get there." He said.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya bago siya umikot papunta sa driver sit. As usual he was holding my hand while driving. Tinatanggal lamang niya ang kamay niya sa kamay ko kapag gagamitin niya 'yong clutch pagkatapos ay hahawakan niya ulit.

Chasing the VillianessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon