ITA 12

53 6 0
                                    

Chapter 12

“ Darn it!”  Sigaw ni Claire . Tumatakbo ito ngayon pabalik sa  bahay nila .


Naiinis siya dahil nagmukha na naman  siya  at ang dahilan na naman ay si Remi.

Wala ng mapaglayan ang galit ni Claire kay Remi . Gusto niya itong  sabunutan at paluhuri ngunit wala siyang kakayahang gawin iyon ngayon dahil alam niyang  mas kakaawan na naman ang kapatid niya at siya na naman ang mag mumukhang masama.


“ I hate you, Remi !” Punong puno ng emosyon an gang sigaw ng dalaga.



Dahil naka-tuon ang atensyon ng dalaga sa kanyang galit kay Remi hindi niya napansin ang lalaking sumusnunod sa kanya at ang tuod na nakaharang sa dadaanan niya   kaya siya ay natalapid.

“ Ahh,” Daing niya . Napahawak ang dalaga sa kanyang Paa ngayong na umaantak sa sakit. Pati ang kanyang tuhod ay nagkaroon rin ng sugat .

Gusto man ng binata na lumapit sa dalaga pero hindi niya ito ginawa dahil alam nitong galit ito .Gusto lamang niyang mabantayan sa pag – uwi ang dalaga. Ngunit nang Makita niya itong natalapid ay agad  itong napatakbo papalapit sa dalaga.



“ Are you okay ?” Hinawakan ng binata ang paa ng dalaga at menasahi ito.


“ I’m not .” Nakatingin ang dalaga sa malayo . Galit din ang dalaga sa binata dahil hinayaan lamang nitong mapahiya siya sa party kanina.


Kinuha ng binata ang panyo niya sa kanyang bulsa tsaka ito itinali sa tuhod na may sugat ng dalaga . Ibinalik ng binata ang pagmamasahe sa paa ng dalaga .



“ Masakit pa ba ?” May pag-aalalang tanong ng binata .



“ Masakit ,” Napangiwi ang dalaga ng mahawakan ng binata ang masakit na bahagi ng paa ng niya


“ Sorry ,” Nagpanic ang binata .


“ Uuwi na ako .” Pagdedeklara ng dalaga . Nagpilit itong tumayo pero hindi nakaya ng binti niya na mabalanse ang kanyang buong katawang kaya muntik na siyang matumba . Mabuti na lamang at nasambot agad siya ng Binata.



“ ihatid na kita sa inyo.” Sabi ni ng binata tsaka siya inalalayan.



Hindi na lamang siya umimik at hinayaan na lamang na ihatid siya ng binata .



Sinalubong sila ng lola Pacing ng g dalaga .


“ Ay naku ! anong nangyari saiyo apo?” Nag-aalalang tanong ng lola ng dalaga .



“ Natalapid  siya  .” Ang binata na ang sumagot dahil napansin niya  na wala sa mood ang dalaga para umimik.

“ Ay Naku , ikaw pala iyan senyorito. Salamat po sa pag hahatid sa apo naming .” Bigla namang sumulpot ang Lolo ng dalaga .

“ Wala  iyon Lolo Pedro .” Sagot naman ng Binata at nagmano sa dalawang matanda habang hawak parin niya ang dalaga.

“Lola , Lolo Pasok na po ako sa loob.” Bumitaw ang dalaga sa pagkakaangkla ng kanyang braso sa batok ng binata.

Napatingin sa kanya ang binata na para bang may iniintay na sabihin sa kanya.

“ oh?” TInaasan ng kilay ng dalaga ang binata.

“ Hindi ka man lang ba mag tha-thank you at mag papaalam sa akin ?” 

“ Ikaw naman diba ang nagpresenta na ihahatid ako. So no need for that , at saka  magkikita pa naman tayo kaya bakit ako magpapaalam sayo.” Sagot ng dalaga sa tanong binata.

“eherm apo , Hindi naman sa pangingi-alam pero kailangan mong magpasalamat kay senyorito Aidan.” Malumanay na suhestiyon ng kanyang lola. Kaya walang nagawa ang dalaga

Nagtangis ang bagang ng dalaga tsaka muling ibinaling tingin sa binata. Tinignan niya ng masama ang binata .

“ Thank you ha !” Sarkastikong saad niya sa binata at nagngiti ng peke.

Ngumiti lamang naman ang binata bilang balik sa sinabi ng dalaga.

“ Sige po , Una na po ako .” Pagpapaalam ng binata  sa dalawang matanda.

“ Sige po,  senyorito.” Nagsimula nang umalis ang binata na may saya at lungkot hindi nito alam kung ano ng aba talaga ang nararamdaman niya .

Masaya siya dahil pumayag ang dalaga na magpahatid sa kanya . Pumayag ng aba ? At malungkot dahil galit pa rin ito sa kanya.

Nagtalukbong naman agad ang dalaga ng kumot niya ng makapasok siya sa kwarto niya .
Palihim siyang umiyak .

Kahit pala ang isang masamang tao hindi nakakaligtas kay pain .
Akala ko sanay na ako , hindi pa pala  - Sabi ng dalaga sa kanyang isip

“ Hindi ako papatalo sayo, Remi  .Oo at nakuha mo na  ngayon si Isen ngunit hindi pa ito ang katapusan ng pagtutuos natin . MAghintay ka lamang maghihiganti ako.” Sabi ng dalaga sa bawat pagitan ng kaniyang pag-iyak.

“ Apo,” Pumasok sa loob ng kwarto ang dalaga ang kaniyang lola .

“ Hindi maganda iyang iniisip mo apo.” Pagsisimula ng lola niya . Hindi parin tinatanggal ng dalaga ang nakatalukbong  sa kanyang buong katawan .   “Lahat ng masamang ginagawa natin sa ating kapwa ay may mas  masamang babalik sa ating , Kaya apo ‘wag mo iyang gagawin .” Pagpapatuloy ng lola ng dalaga.

Hindi naman siya umimik dahil buo na ang kaniyang desisyon  sa gagawin.  Wala na siyang ibang hanggad ngayon kundi ang makitang maghirap ang kapatid niya .

Gusto niyang magsorry sa lola niya dahil hindi niya masusunod ang payo nito ngunit hindi niya ginawa.

-----
Abala ang lahat ngayon sa pagsasa-ayos ng kanilang mga puwesto para sa nalalapit na okasyon sa kanilang paaralan.

“ Ahm hi ,”Napalingon siya sa nagsalita.  Bago ito sa kaniyang paningin sapagkat hindi pa niya ito nakikita kahit saang sulok ng kanilang  Paaralan.

“ Do I know you?” Pagtataray ng dalaga sa babae.

“ Ay ang taray,” pabulong na sabi ng babae ngunit narinig iyon ng dalaga .

“ May sinasabi ka ?” Nakataas nag kilay ng dalaga .

“ ah wala.” Sabi nito at ipinilig pa ang kaniyang ulo . “ transfer ako dito kaya hindi ko pa kabisado ang bawat sulok dito .” Paliwanag ng babae . “ Maaari mo ba akong e tour dito ?” Tanong ng babae .

“ Oo naman e to-tour ka naming dito.” Sabat ng binata na ikinakakunot ng doo ng dalaga . Tinignan niya ng masama ang binata.

“ Wow,talaga .” Lumapit ang babae sa binata at saka ito may ibinulong sa binata .

Nag-init ang ulo ng dalaga sa kanyang nasasaksihan sa mga oras na iyon.

“Jowa mo ?”biglang tanong ng babae sa lalaki pero pabulong lamang.

Napangiti naman ang lalaki at napatingin sa dalaga na ngayon ay masama ang tingin ngayon sa kanila .

“ Nanliligaw pa lamang ako .” pabulong ding sagot g binata .

“ Ah ,Buti po napagtitiyagaan ninyo , mukhang mataray eh.” Bulong uli ng babae.

“ Mahal ko e .” Sagot ng binata saka tumawa ng nakakaakit.

“ ehem baka naman gusto ninyo ng maglibot.” Pagbasag ng dalaga sa pagtawa ng binata .

“ Nagseselos ata kuya .” Bulong uli ng babae bago tuluyang lumayo sa kanya at pumunta sa tabi ng dalaga.

“ Malabo .” bulong ng binata sa sarili niya. Naikinalungkot  rin niya .
I  am really  good  at hurting my self  Napatawa ng mapait ang binata sa sariling saad sa isip.



Thats all for today .
Vote and comment ❤❤

Chasing the VillianessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon