Chapter 04

53 4 7
                                    




"I'll pick the both of you up, I'm on my way."

Call ended.

Parang kanina lang tinatanggihan ko 'yung alok n'ya... Paano napunta sa susunduin n'ya na kami?

"Bakit ba kasi pinilit mo 'ko?" Singhal ko kay Vance nang mamatay 'yung tawag at hinampas s'ya gamit 'yung unan na katabi ko. Tumayo ako para uminom ng tubig.

Bakit ba ako kinakabahan?

It's not like ngayon lang ako lalabas with a guy friend. We aren't even alone!

"Aba, sayang ano! Malay mo ilibre tayo or kami 'yung mag-date. Hehe," Sagot n'ya na kinikilig-kilig pa. I just rolled my eyes.

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng condo ni Yonna. Napaigtad ako nang kurutin ako ni Vance sa likod. "Ano? Ikaw magbukas n'yan! Pilit-pilit ka pa, ha." I told him at dinuro 'yung pinto. Wala rin naman s'yang nagawa kung hindi ang tumayo at pinagbuksan si Asher ng pinto.

Nakapamulsa si Asher nang magbukas ang pinto. He smiled at Vance and looked at me.

I saw it because the living area of Yonna's condo was near the door.

Tinaasan ko lang s'ya ng kilay. "Ano? Tara na?" Tanong n'ya at tinaas ang susi ng kotse n'ya. I just nodded and stood up to get my bag. Pumasok din si Vance to get his stuff.

We left Yonna's condominium and I locked the door. I also texted Alyonna na umalis na kami.

"Ano ba gagawin sa mall?" I asked while waiting for the elevator. "Wala naman, gusto mo kumain?" He asked. Vance was between us. "Hindi ako gutom, tanong mo 'yan," sagot ko at tinuro si Vance at saktong bumukas ang elevator kaya pumasok ako sa loob, leaving them outside.

Pumasok sila sa loob at nagkasabay pa kami ni Asher sa pagpindot ng floor number pero mas nauna s'ya kaya hinayaan ko na lang. Tiningnan n'ya ako at nginisian.

"Eh bakit ka pumayag pumunta sa mall?" Vance asked all of a sudden. My eyebrows furrowed and looked at him. He was now beside me while Asher was behind. "Anong ako? Pinili--" I was cut off when the elevator opened at dire-diretsong naglakad si Vance palabas.

Ako pa ngayon ang pumayag! Iniipit talaga ako nitong si Vance, kanina pa ha.

I walked out of the elevator at katabi kong naglalakad si Asher. "I'll treat you two. If you want lang," he said while walking out the building. I just nodded and walked. Naimbyerna ako kay Vance.

"Wait here, kunin ko lang car," Paalam ni Asher at parehas kaming tumango. Nang makalayo na s'ya, hinampas ko si Vance gamit ang librong hawak ko. "At ako pa talaga ang pumayag, ha!" Gigil na sabi ko habang hinahampas pa rin s'ya.

"Oh tingnan mo! Affected ka!" Sabi n'ya habang iniiwasan ang mga hampas ko. I stopped when I realized that he was right.

"I was affected because baka isipin nung tao gusto ko s'yang makasama!" I still justified at pinaghahampas ulit s'ya. "Oh bakit? Ayaw mo ba?" Lalo lang ako nainis sa sinabi n'ya! Mas binilisan ko ang paghampas sa kanya at nagulat nang may bumusinang sasakyan sa harap namin.

Inayos ko 'yung libro at bag ko at ganoon din si Vance. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan sa backseat pero naunahan ako ni Vance. "Girl, dito ako!" Sabi n'ya pero pinilit ko pa rin na doon ako uupo kaya ang tagal naming nagtatalo roon.

"Hey, just get in." Nagulat ako nang ibaba ni Asher ang bintana ng pinagaagawan naming pintuan ng sasakyan. Napatingin ako sa likod ng sasakyan n'ya at nakita kong ang dami nang sasakyan sa likod n'ya.

Binitawan ko ang hawak ko doon sa handle ng pintuan ng sasakyan, giving up, at binuksan ang pintuan ng shotgun seat. I sighed when I went in. Tangina nitong si Vance!

Anatomy of an HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon