"Bakit magshi-shift pa? Ex n'ya ba nagbabayad ng matrikula n'ya?" Sunod-sunod ko na tanong kay Don sa harap ko.
Hindi naman niya ako sinasagot. Nangangamot lang sa ulo.
"Hindi ka tricycle driver na nakabangga kaya p'wede ba 'wag mo akong bigyan ng kamot sa ulo bilang sagot?" Angil ko sa kaniya at ibinaba ang dala-dala kong lalagyan ng lemon. Nakapamewang akong humarap sa kaniya, nakatingin lang s'ya sa malayo. Iniisip din n'ya siguro kung sasabihin n'ya sa akin ang totoo.
"Ano ba nangyayari kay Asher?" Mataray ko ulit na sabi at inis na napasabunot sa buhok ko.
"Wala ako sa pwesto para sagutin ang mga tanong mo. Kausapin mo si Asher kung gusto mo malinawan. Aalis na ako, ingat kayo rito." Sabi n'ya makalipas ang ilang minuto at umalis na nga.
Padabog akong sumigaw at nilagyan ng alak ang shot glass.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo dito at umiinom, hindi ko na rin naramdamang pumikit ang mga mata ko.
"TIARRA CARMELA, GISING NA!"
Napakunot ang noo ko dahil sa lakas ng sigaw na narinig ko. Iminulat ko ang mata ko at nagulat nang ma-realize ko kung saan ako natulog.
"Ano na? Hindi naman kita inalipin ng ganyan para matulog ka sa balcony! Tumayo ka nga!" Dire-diretsong sabi ni Alyonna sa harap ko habang nililinis ang kalat ko kagabi.
Naubos ko mag-isa 'yung isang bote ng alak? Putangina ko?
"T-teka ang sakit ng ulo ko," reklamo ko bago tumayo at hinawakan ang ulo ko na parang hihiwalay sa katawan ko. Humiga uli ako, pero sa kama naman. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng likod.
I groaned when my head was throbbing of pain. I can feel the ache against my teeth!
"Inom pa!" Mataray na sabi na naman ni Yonna mula sa balcony.
Napabalikwas ako ng wala sa oras dahil sa sinabi n'ya. Tingnan mo 'tong babaeng 'to! Akala mo ay hindi nag-eskandalo kagabi.
"Excuse me? Kung sino man ang hindi dapat mag-inom dito ay hindi ako 'yun!" Nakakunot kong sabi sa kaniya habang nakadantay sa kama at hinihimas pa rin ang ulo ko.
"B-bakit? Anong ginawa ko kagabi?" Nagaalala n'yang tanong, dahan-dahang pumasok at lumapit sa gawi ko. "Sinabihan mo lang naman si Don na sinungaling at isang fucking bitch," sagot ko at tinaasan s'ya ng kilay.
"Nakakahiya! Bakit 'di mo man lang ako pinigilan?!" Nagpapanic n'yang sabi at sinipa ang paa ko sa dulo ng kama nang makadaan s'ya.
Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at hinagis 'yon sa kaniya, "ayaw mo pa nga matulog! Anong hindi pinigilan? Ayaw mo magpaawat!" Sigaw ko at inirapan n'ya ako. Tumayo ako at kinuha ang tubig na nasa side table n'ya at ininom 'yun.
Sobrang dry ng bibig ko, kadiri!
Lumabas si Alyonna ng kwarto kaya sinundan ko s'ya, nakita kong nakalatag ang mga gamit n'ya, mukang nag-aaral. Umupo ako sa sofa at tiningnan ang mga papel n'ya roon. "May pasok ka mamaya?" Tanong ko sa kaniya.
"Anong mamaya? Tanghali na! Absent ako buong araw," sigaw n'ya mula sa kusina.
Napatingin ako sa wall clock at nakita kong pasado ala-una na. Hihinga na sana ako ng maluwag dahil mamaya pa ang klase ko nang maalala na sinabi nga pala kahapon ni Asher na may group meeting kami ngayong umaga. Agad kong hinanap kung nasaan ang cellphone ko pero noong nakita ko ay low battery naman.
Ang gand ng buhay ko, punong-puno ng kaligayahan!
"Yonna, pahiram ng charger!" Takbo ko sa kaniya at tinuro naman niya kung saan nakalagay ang charger. Nag-charge ako at nagpaalam kay Yonna kung pwedeng pahiram ng cellphone n'ya dahil kailangan kong makausap si Asher. Pakiramdam ko kasi ay natapos na nila lahat ang kailangang tapusin at ni isa ay wala akong nagawa!
BINABASA MO ANG
Anatomy of an Heiress
General FictionFeminist. Empowered. Driven. Tiarra Carmela Bautista has always been looked down on by her father because she is a woman. She was never one of the choices to be the inheritor of her father's pharmaceutical company but she was determined to prove her...