Chapter 18

16 1 0
                                        


"Ate, kalma mo nga kaluluwa mo. Wala naman akong sinabing papatayin ko s'ya," pagbibiro ni Kingsley at sumubo ng ice cream. 

Nandito kami ngayon sa balkonahe ng kwarto ko, nakain ng ice cream as planned. Tinatanong ko s'ya kung anong sinabi n'ya kay Asher noong minsan at kung ano-ano ang pinagke-kwento  n'ya. 

Hindi daw uuwi si Papa kaya hindi na kami nag-intay pa. Kami na lang ang nag-usap. 

Inirapan ko s'ya at sumubo na lang din ng ice cream. Hindi na ako umimik pa at inintay s'yang magsalita. 

"Wala ako rito kung sakali man na saktan ka n'ya," sabi n'ya ng seryoso habang nakatingin sa malayo. "Hindi ko sasabihin kung ano man 'yung sinabi ko sa kanya noong araw na 'yon dahil sa pagitan lang 'yun ng kapatid mo at ng manliligaw mo," pagbibiro n'ya at saglit ko naman s'yang tiningnan tapos tumitig na lang din sa malayo. 

"May tiwala ako kay Kuya Asher pero hindi ko kasi masasabing buo ang tiwala ko sa kanya kapag ikaw ang pinag-uusapan," dagdag n'ya pa at lumingon sa akin. 

Napasinghap ako sa sinabi n'ya at napa-ayos ng tayo sa kinauupuan ko. "Natatakot ka pang masaktan ako eh immune na ako d'yan," biro ko at umiling.  

He looked at me seriously and placed the pint of ice cream on the table. "Ayaw kong sanayin ka n'ya doon," he said and smiled meaningfully. "Mahalaga kayong dalawa para sa akin. Kaya kung s'ya talaga ang nagpapasaya sa'yo, Ate... I don't want to be the one to stop you." He said last before reaching for my hand. 

"I'm all for your joy, Ate. He makes your eyes genuinely happy and it was centuries ago since I saw you look at someone that way." He joked again and held my hand tightly. 

Hinila ko 'yung kamay n'ya para pumunta s'ya sa akin at yakapin ako. He hugged my shoulders from the back as I close my eyes. "Thank you, always," I said, almost whispering. 

He kissed the top of my head before letting go and going back to his seat. We both sighed at the same time and consumed the view right in front of us. Although there were no stars in the sky tonight, ang ganda pa rin ng city lights.

"Hindi mo ba kakausapin si Tita Maan? Bago ka umalis?" I asked after a while habang kumakain pa rin ng ice cream. 

"I'm planning to. Samahan mo 'ko?" He asked as he puts a spoonful of ice cream on his mouth again. I nodded in response. It's also been a while since I've talked to her. 

I checked my phone to see any messages from Papa kaso wala. I suddenly remembered Alyonna so I texted her just so I could check up on her. 

Sinubukan ko rin s'yang tawagan kaso off 'yung phone n'ya at baka ayaw n'yang magpatawag. I haven't talked to her properly since the last conversation we had about our families. Hay. 

Nakipagkwentuhan pa si Kingsley sa akin habang inuubos namin 'yung ice cream hanggang sa inantok na ako kaya pinaalis ko na s'ya sa kwarto. He was kind enough to put our trashes down, I kind of forced him at wala naman s'yang nagawa. 

I plopped myself down my bed and dozed off to sleep. Kinaumagahan, ginising ako ni Kingsley. More like, binulabog.

"Gising, kababayan!" 

Humalukipkip pa ako dahil ang sarap pa matulog at hinayaan s'yang mag-ingay. 

"Gising na, magwa-walking tayo!" Yugyog n'ya sa akin at hinampas ko naman s'ya ng unan na yakap ko. "Napakaaga pa," reklamo ko at bumaling sa kabila para hindi ko makita ang pagmumuka n'ya. 

"Nene, mainit na mamaya," hampas n'ya sa akin pabalik ng unan at tumayo na sa pagkaka-upo sa kama ko. Narinig kong bumagsak 'yung pintuan ng kwarto ko kaya akala ko lulubayan na n'ya ako kaso pagbalik n'ya may dala-dala s'yang speaker. 

Anatomy of an HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon