Chapter 20

8 1 0
                                        


"Don... he's the father."

I inhaled deeply and removed my hand from hers. My whole body is trembling... walang-wala akong lakas para magsalita. 

"I—... Hindi ko sinasadya, Tiarra," she added, kneeling down in front of me. 

Hindi ko s'ya kayang tingnan... ayaw ko s'yang tingnan. 

"Lasing ka ba noong nangyari 'yon?" I managed to say. I can't blame her... not until I know everything.

She caressed her face as she cries, sitting completely on the floor, and slowly shook her head. 

"Lasing ba si Don noong ginawa n'yo 'yan? Did you give him consent?" I said, pertaining to the baby growing in her womb.

She was sobbing now. It was hard for her to breathe. 

"He wasn't drunk... Hindi ko alam bakit namin ginawa... Hindi ko sinasadya makasakit, Tiarra... Hindi—... ko na alam 'yung gagawin ko," she responds.  

I gulped and nodded. I closed my eyes before going in her direction and helping her get up. I made her sit down before getting my things. 

"Mag-uusap kayo ng kaibigan ko. You will tell all of this to Alyonna yourself." Matigas kong sabi at aalis na dapat para pumunta kay Yonna pero nagsalita na naman s'ya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. 

"H-Hindi ko kaya, Mela..."

"Hindi mo kaya?! 'Wag mo akong kausapin na parang hindi kaibigan ko 'yung dehado rito, Sasha! Tangina, pinagkatiwalaan ka... may choice ka at malinaw dapat sa'yo 'yun," singhal ko habang pinipigilan ang sarili kong duruin s'ya. 

She was just covering her face with her palms, still sobbing. I waited for her to say something to defend herself... kaso wala eh. 

I shakily exhaled air before leaving her room. She didn't even stop me from leaving. Nagmadali akong bumaba at nagmaneho ng mabilis papunta kay Yonna, sa sinabi n'yang kitaan namin kanina sa call. 

Habang nag-iintay, tinawagan ko muna si Asher. Hindi ko alam kung alam na n'ya pero mukha namang nasabi na sa kanya ng magaling n'yang kaibigan kung magkasama man sila ngayon. 

"Nasaan ka?" Bungad ko nang masagot n'ya 'yung tawag. 

"Nasa bahay ni Don, napuntahan mo na si Sasha?" 

"Oo," sagot ko at huminga ng malalim bago s'ya tanungin. "Alam mo na ba?" 

"Alin? Sandali, lasing si Don ngayon, nag-away ata sila ni Yonna."

"Ah, gano'n ba? M-Maya na lang tayo mag-usap, magkikita kami ngayon ni Yonna," nangangatal kong sabi at ibinaba na 'yung tawag bago pa man s'ya makasagot. 

Pare-pareho ko silang kaibigan at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naiipit ako sa sitwasyon na 'to pero hindi mahalaga ngayon kung ano ang nararamdaman ko, mas kailangan ako ngayon ni Alyonna. 

I glanced at my phone when I saw a text message from Alyonna, nandito na raw s'ya. 

I looked at the side mirror and saw her car approaching from the back. Inintay ko s'yang mag-park bago ako bumaba at umupo sa isang wooden bench, malayo sa mga batang naglalaro sa playground ng parke. 

Nakita ko s'yang naglalakad papunta sa direksyon ko at naka-specs s'ya, mukhang alam na nga n'ya. 

I welcomed her with a hug before we sit down. 

Iimik dapat s'ya kaso niyakap lang n'ya ulit ako na parang humihingi ng lakas sa akin, kahit mismong ako ay ubos na ubos na rin. 

I started to tear up when I heard her cries. God, she doesn't deserve all this pain. 

Anatomy of an HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon