Chapter XXXVII - Snow

5.3K 119 4
                                    

Ronny Johnson ------->>>

________________________________________________________________________________

MINEL'S POV

*Blag*

Holo!

Napahinto kami sa pagtakbo ni Kuya Jeff ng may narinig kami.

Nadapa si Kat. =________=

"Hala! Ang cute pala madapa ni Denise!" manghang manghang sinabi ni Kuya Ronny.

Pati yung pagkadapa, cute pa din?

Dali dali kaming lumapit kay Kat ni Kuya Jeff.

"Ui, Bunso, ok ka lang?"

*NR~*

"Ui, kat? Nakatulog ka na ba?"

Nakadapa kasi si Kat, yung bang parang nag'planking cya. Hula ko, magpapalusot 'to. =_____=

"Huy! Bunso? Ayos ka lang ba?" habang niyuyugyog ni Kuya Jeff si Kat.

"Hmmmmmmmm.." - kat.

Inalalayan ni Kuya Jeff na tumayo ang kapatid nya at pinaupo na muna ito sa lapag.

"You're knee's bleeding." pagaalalang sinabi ni Kuya Jeff sa kapatid.

"Yan, pinatakbo nyo kasi ea.." reklamo ni Ate Xyriel.

Tumango lng si Kat at binuhat na cya ng kuya nya sa loob. Sumunod na rin kami sa kanila. Pagpasok namin sa loob ay dahan dahang inilapag nya si Kat sa couch.

"Masakit ba?" she nod as a sign of 'yes'.

"I'll get the first aid kit." I suggested.

 I searched the F.A.B. inside my room. Teka.. Bat ba napapa'english ako? Psssh. Ede ayon nga, hinanap ko ang first aid kit sa kwarto ko, alam ko kasi meron ako nun ea.

Hanap..

Hanap..

Ayun! Nakita ko sa ibabaw ng kabinet. Kinuha ko na iyon at lumabas. Binigay ko na kay Kuya Jeff ang First aid kit.

KAT'S POV

Nagamot na ni Kuya yung sugat ko sa tuhod. At ngayo'y ako'y nakadungaw sa bintana, nakatanaw sa kawalan.

Yung tropa? Nandoon sila lahat sa living room, malay ko kung ano yung mga ginagawa, basta nagpaiwan lang ako dito sa kwarto at sinabi ko kay kuya na gusto kong mapag'isa. Wala lang, feel ko lang mapag'isa. Hehe.

Sa iisang kwarto na nga pala kami ni Kuya, nagpalipat si Kuya Ronny, swap daw kami para makatabi nya at makasama cya si Ate Xyriel. At dahil mabait ako, pumayag ako, saka sanay na rin naman ako na lagi kong nakakasama si Kuya. Kahit na ganito na yung edad namin ay parang wala lang samin na magkatabi kami, sanayan na rin kasi.

Tsaka, parang totoo yung mga sabi-sabi nila, na kapag lalake ang panganay tapos bunso ang babae, magiging childish ang bunso, pero kapag babae ang panganay tapos bunso ang lalake, sobrang mature naman yung babae tapos yung bunsong lalake naman ay magiging feeling panganay, I mean, yung parang kayang kaya na nya yung sarili nya. Tapos kapag parehas na babae ang magkapatid, lagi namang nagkakaroon ng world war III. Ganoon din DAW sa lalake. Pero sa tingin ko, DEPENDE pa din noh. =________=

Tsssk. Kaya pala hindi pa ako nagmamature kasi may Kuya ako?

*toktoktok*

"Pasok." sino kali 'un?

My Kuya's Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon