CHAPTER 1 - The Start

54 3 0
                                    

"Azariella!" Hindi ko pinansin ang tumatawag sakin at nagpatuloy lang na maglakad sa hallway na punong puno ng mga estudyante.

Bigla na lang may kumalabit sakin at nakita ko si Aliyah, isa sa mga kaibigan ko. "Talagang hindi mo pa nagawang lumingon at hintayin ako ah! Magtatampo na talaga ako sa'yo." aniya.

"Hinintay kaya kita sa gate ng school, 20 minutes akong nakatayo doon! Tapos hindi ka pa sumasagot sa tawag ko kaya iniwan na kita at baka male-late na naman ako ng dahil sayo." sagot ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom namin.

"Edi sorry na, traffic kasi tsaka lowbat din ako, nakalimutan kong i charge yung phone ko bago matulog e." Napailing nalang ako sa sinabi niya. Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Nasa harap ko siya at nasa likod naman ako.

Grade 11 na kami pareho ni Aliyah Jade Espinoza. At ka kasimula pa lang ng first sem. Pareho kaming 16 years old at dalawang buwan lang ang agwat namin sa isa't isa.

"May assignment ka na ba sa Pre-Calculus? Grabe, wala akong maintindihan sa major sub natin! Pakopya nga nung sayo." Walang hiyang hinablot ni Aliyah yung notebook na kalalabas ko lang mula sa bag ko.

Natawa na lang ako sa inasta niya. Isa isa naring nagsidatingan ang mga kaklase namin tsaka malapit narin magsisimula ang klase. Kaya itong si Aliyah dali-daling nagsulat sa notebook niya. Pre Cal kasi ang una naming subject kaya ganyan kung maka-asta si Aliyah, nagiging the flash e.

"Hindi ako sure sa answers ko ha, baka magalit ka sakin kung mababa lang scores mo." Tinignan ako ni Aliyah at napailing. "Bahala na'to at least may sagot, at tsaka ikaw na yan no! Alam naman nating lahat na magaling ka pagdating sa math." sabi niya.

Hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. Hindi ako magaling sa math! Average lang ako, tsaka I literally hate math! Baliw lang talaga ako dahil sa STEM pa ako nag enroll. Tsaka mas magaling pa sa math yung isa pa naming ka-klase na si Daniel no! Math Wizard kaya yon. Hanga na talaga ako sa utak non.

"Mas magaling pa kaya si Daniel sakin sa Math." Bulaslas ko. Tumawa lang sakin si Aliyah at sinabing "Magaling naman talaga yon! At magaling ka rin naman, meron lang talagang maliit na agwat sainyo, masipag yon mag-aral at ikaw," Tinuro pa niya ako. "Tamad tamad mo ngang mag-aral pero idol parin kita kasi nag e-excel ka parin." She chuckled. Sus sinabi lang niya yan para may makokopyahan siya. Binalik narin niya ang notebook ko.

Wala pang isang oras ay nagsimula na ang klase namin.

______________________________

Biglang may nagtakip ng mata ko gamit ang dalawang kamay. Agad ko namang inalis yon at tiningnan kung sino. "Finn! Nandito ka na pala!" Anas ni Aliyah. Nandito kami sa cafeteria ngayon dahil lunch time namin. Binitawan ko ang kamay ni Finn at hinampas siya sa balikat.

"Aray! Nagsisimula ka na naman!" Daing niya. "Ang OA mo! ikaw nga tong tumatakip ng mata ko e." sagot ko. Si Kleo Finn Valermo, isa rin sa mga kaibigan ko. Tinawag ko pa talaga silang mga e dalawa lang naman talaga ang matalik kong kaibigan, yung iba kakilala lang kasi ayokong mapalapit sa iba dahil paplastikin lang nila ako at ng dahil yon sa mata ko.

Si Finn at Aliyah ay childhood friends ko. Nauna kong nakilala si Finn, agad ko siyang naging kaibigan kasi siya lang ang bata na hindi takot sa kulay ng mata ko. Simula ng makita ako ng mga tao, palagi na lang nila akong binubully at tinatawag na monster. Nakilala ko si Finn dahil prinotektahan niya ako sa isang bully ko noon kaya ayon naging close kami at naging matalik na magkaibigan, hindi rin nagtagal ay pinakilala niya ako kay Aliyah, at doon na nagsimula ang friendship namin hanggang sa nag senior high kami. Ang swerte ko lang din dahil dito ako nakapag enroll sa school na pinapasukan nina Aliyah at Finn.

The Unknown of AstheiraWhere stories live. Discover now