CHAPTER 13 - Dark Forest

28 1 0
                                    

"Focus Azariella!"

Narinig kong sigaw ni Winter sa gilid. Tinignan ko naman si Kathelin na nasa harapan ko. Nandito kami ngayon sa training grounds ang dami ngang estudyante ding dito na nag tra-training, talagang sineseryoso nila ang darating na Battle War Exantia.

Pati din ako kailangan kong magpalakas at matututong kontrolin ng tuluyan ang kapangyarihan ko upang mahanda ko ang sarili sa pakikipaglaban sa mga royalties na tinatawag nila. 

May hawak na espada si Kathelin, isa kasi siyang earth wielder at brown nga pala ang mga mata niya dahil sa tuluyang paggamit ng kapangyarihan niya.

Hawak ko rin ngayon ang The Sword of Wisdom siya muna ang makakalaban ko sa pagtratraining. 

Tumakbo ako papalapit sa kanya at tumakbo din siya papalit sakin kaya nagbanggaan ang mga espada namin. Ngumisi kami sa isa't isa at nagulat na lang ako dahil bigla nalang yumanig ang lupa sa paanan ko at lumipad iyon habang nakatayo pa ako. 

"Ang unfair naman nito! hindi ko pa kabisado mag magic e!" Sigaw ko mula sa itaas. Napatawa nalang si Kathelin at ibinaba din naman niya kaagad ako.

"Loko ka! Ganito pala kapangyarihan mo ha! bat ngayon mo lang pinakita!" sermon ko agad sa kanya pagbaba ko.

"Hindi ka naman nagtanong e! Tapos hindi ko pa nga alam iyong sayo!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. It's been weeks simula nung pumasok ako dito sa Astheira Academy. At actually kabisado ko na medyo ang kapangyarihan ko, but hindi ko pa siya fully na co-control iyon. Hindi ko lang pinapaalam sa mga kaibigan ko except kay Winter kasi secret lang yon.

"Ah basta! Magpatuloy na tayo sa pakikipaglaban natin!" Mabuti at sumang-ayon agad sakin si Kathelin at iyon nga nagsimula ka agad kami sa pakikipaglaban hanggang sa mapagod kami kaya nagpahinga muna kami. At ngayon, sina Winter na naman at si Karina ang naglalaban sa harapan namin. 

Tatamaan na sana si Winter sa isang arrow ni Karina pero sinangga niya lang ang arrow gamit ang espada nito naging seryoso na ang dalawa sa pakikipaglaban kaya naging seryoso narin kaming dalawa ni Kathelin. Sinungaling din itong si Winter e no? Sabi pa niya mahina daw siya pero ang lakas kaya niya!

Biglang may kumalabit sakin at tinignan ko naman kung sino iyon at nagulat pa ako kasi nandito si Safira.

"Safira? anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya. She just smiled at me.

"Baka nakakalimutan mo ang plano natin kahapon?" Right! Ipapakilala nga pala niya ako sa mga kaibigan niya! Which means I'm gonna meet the royalties, but I'm not ready yet!

"Hindi naman." She sighed in relief ng marinig ang sinabi ko.

"So, ang dami ngang estudyante ang nag e-ensayo dito." aniya. Nagulat pa si Kathelin ng makita si Safira na nasa tabi ko at tinignan pa niya ako na parang nagtatanong siya kung bakit nandito si Safira.

I just shrugged at her at sinabi sa kanya na "I'll explain later." tumango din naman kaagad ito at muli nang pinagmasdan si Winter at Karina na hanggang ngayon ay naglalaban parin. 

"Talaga namang pinaghahandaan na nila ang darating na Battle War Exantia." i said to her. She just nod at me.

"Yeah, and i'm looking forward na kalabanin ka Azariella."

Nagulat pa ako sa sinabi niya para yatang gusto kong mag back out dahil sa sinabi niya, malakas kaya si Safira?

"Just so you know, i am a fire wielder." Sabi niya at nagpalabas naman siya ng isang apoy sa kaliwang kamay niya. Her eyes changed too, from black to flaming red.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unknown of AstheiraWhere stories live. Discover now