CHAPTER 10 - Take the Risk

28 1 0
                                    

"Watch out!"

As soon as i heard that voice ay agad kong hinawakan ang isang arrow na ta-tama sana sa mukha ko kung hindi ko lang iyon nahawakan agad. Lahat ay nagulat sa ginawa ko.

"I-im sorry!" Lumapit sakin ang babae na mukhang nag-aalala. "Are you okay?"

Nginitian ko siya at sinabing "Okay lang, here's your arrow." binigay ko sa kanya ang arrow at umalis na sa pwesto niya.

Nakita ko si Winter na naglalakad palapit sa akin at doon na ako bumigay at napaupo malapit sa kanya. Nandito kami sa training grounds at may maraming estudyante ang nag tratraining ngayon kaya nga kanina muntik na akong matamaan sa arrow na iyon. Tanginang estudyante yon! Pag ako natuluyan jusko!

"Oh azariella what happen?" Nag-aalalang sabi ni Winter sa akin.

"W-wala gusto ko ng tubig." sagot ko naman at tinulungan niya akong tumayo at pinaupo niya ako sa may bench. Kumuha siya ng isang baso na may laman na tubig mula sa bag niya.

Nagulat ako kasi bakit may isang baso at may laman pang tubig ang nagmula sa bag niya? dapat nga nabasa na ang bag niya kung ganon e. Mukhang alam na niya ang expression ko kaya tumawa siya ng mahina ang sinabing "This is a magic bag that i invented."

"What? You invented that? How?" gulat na sabi ko at kinuha ang basong tubig mula sa kamay niya at ininom yon.

"It's a long story." She answered kaya tumango nalang ako at ibinigay ang baso sa kanya. "Anong sunod mong klase?" sabi pa niya. "Wala na, ikaw?"

"Wala na rin, tara?" tumango ako sa kanya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Lumabas na kami sa Training grounds at nagsimula kaming maglakad sa hallway, nakasalubong din namin sina Kathelin at Karina kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa dorm namin.

"Ah gutom na ako!" 

"Palagi ka naman talagang gutom Kathelin e." sabat ni Karina.
Napahagikgik naman kaming lahat nakaramdam narin ako ng gutom kaya nagpresenta akong magluto ng pagkain.

Nakapagdesisyon narin kami na dito kakain sa dorm namin dahil tinatamad tong tatlo na pumunta sa La Pra Feita. Ako rin naman.

"Ah, ang sarap ng luto mo Azariella!" I just smiled at Karina.

Natapos na kaming kumain at si Kathelin na daw ang bahalang maghugas ng mga plato gamit ang magic niya. Pati ba naman paghuhugas ng mga plato gagamitan pa ng magic? She's also a Water Wielder katulad ni Winter.

Pumasok muna ako sa kwarto ko at nagbihis na ako ng pantulog. Lumabas ako sa terrace at tinignan ang mga bituin mula sa madilim na kalangitan. I also stared in awe at the moon.

The moon is really beautiful in here. Apat sila. Magkaiba talaga ang moon dito at sa mundo na pinagmulan ko.

Sumagi sa isip ko sina Aliyah at Finn. Kamusta na kaya sila? Nag-aalala ba sila sakin? Hinahanap kaya nila ako? Natuloy kaya ang plano nilang itakas ako? Paano naman nila ako itatakas e wala ako sa mundo nila nandito ako sa kakaibang mundong puno ng mahiwaga at misteryo.

Also, i really wanted to know who i really am. At bakit dito ako dinala ng necklace ko.

"Pst. Azariella!" Na agaw ng atensyon ko ang tumawag sakin. Lumingon ako sa likod ko at nagulat ako kasi nandito si Wizard Everina.

"Wizard Everina? Bakit ka nandito-" hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin ng sumabat agad sa akin si Wizard Everina.

"Shh. I had a dream na nasa panganib ka daw. So i came here to check if my dream is right, but u seem fine, is there anything that is bothering you Azariella?"

The Unknown of AstheiraWhere stories live. Discover now