CHAPTER 11 - Secret

20 1 0
                                    

"Are you ready?" tumingin ako kay Winter na kakapasok lang sa kwarto habang ako ay nagsusuot pa ng isang itim na cloak, we are still wearing our uniforms kasi hindi na kami nag abalang makapagbihis.

Tulog narin sila Kathelin at Karina, hinintay talaga namin na matulog na sila bago kami tumuloy sa plano naming pagpunta sa library ni Winter because i know i can't do this without Winter's help.

"Let's go, it's already dark outside."

Winter nodded at me and as soon as she saw me walking to the door agad din naman siyang sumunod sakin at nagdahan dahan pa kami sa paglalakad kasi baka magising pa sina Kathelin. 

Nakalabas na kami ng dorm at naglalakad kami ngayon patungong west hall. Madilim narin ang paligid na nilalakaran namin at habang naglalakad ay may nakita kaming isang kawal na patungo sa direksyon namin kaya agad kaming nagtago sa isang sulok.

Hawak hawak ko ang kamay ni Winter at tinignan siya. Ibinalik ko lang din ang tingin ko sa isang kawal na papalapit sa pwesto namin. Mabuti at hindi niya kami nakita kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad at binilisan ang pagyapak ng aming mga paa baka bumalik pa iyong kawal na yon. 

Nang makalapit kami sa pintuan ng library, nagtaka pa kami kung bakit walang kawal ang nagbabantay ngayon kaya wala na kaming inaksayang oras agad kaming pumasok library at dumiretso na agad kami sa RESTRICTION AREA. 

"I think we can't enter yet." I looked at Winter with confusion in my eyes, at mukhang naintindihan naman niya iyon.

"The door is sealed with magic, I can feel it." 

Tinignan ko ang pintuan na nasa harapan namin, she is right, the door is sealed with magic and i can feel it too.

"Paano tayo papasok ngayon?" 

"I don't know, maybe we can try to use our power to decrease the magic behind this doors. I'll try first, step aside."

Umalis naman ako sa harap ng pinto at hinayaan si Winter sa ginagawa niya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa dalawang pintuan nagulat pa ako kasi may lumabas na blue magic circle sa mga kamay niya at naging kulay blue ang mga mata niya, sa tingin ko meron din akong ganyan kapag nacontrol ko na ang kapangyarihan ko. 

Bigla nalang tumalsik si Winter dahil sa lakas ng impact ng kanyang kapangyarihan na tumama sa pinto hindi ako tumalsik pero hinangin lang ang buhok ko kaya nagtaka ako.

Pinuntahan ko si Winter at tinulungan siyang tumayo.

"Okay ka lang ba?" Tumango siya sa sinabi ko.

"I can't undo the magic, it's too powerful but i manage to break it." She said at itinuro niya ang pinto na may maliit na sira.

Hindi yung pinto ang may maliit na basag kung hindi ang invisible na parang barrier na nakaharang sa pinto ng restricted area.

"Talagang hinigpitan nila ang pagkakalagay ng magic sa pinto, siguro nga ay mga importanteng impormasyon ang nakalagay sa loob." 

"Yes, but u manage to break it. Let me try, baka tuluyan na talaga natin tong masira." Winter looked at me worriedly.

"But you can't use your magic yet."

"Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan diba?" she sighed heavily at me at hinayaang gawin ang gusto ko kaya napangiti nalang ako at kagaya niya ginawa ko rin ang ginawa niya kanina. Inilagay ko sa pinto ang dalawa kong kamay. 

You have to focus Azariella. Focus! 

Pumikit ako at dinama ang kapangyarihang gustong kumawala sakin. Nagulat nalang ako ng may biglang lumabas na isang purple magic circle sa mga palad ko at bigla nalang humangin ng napakalakas at nabasag lahat ng invisible glass na nasa harapan ko at tuluyan ng nawala ang magic na naka sealed sa may pintuan.

The Unknown of AstheiraWhere stories live. Discover now