CHAPTER 12 - Black Figure

20 1 0
                                    

"HALT! BE READY! WE NEED TO WIN THIS BATTLE FOR OUR LOVED ONES AND FOR OUR WORLD! WE SHOULD END THIS WAR BETWEEN THE ASTHEIRA AND DARK FORCES OF ORPHEUS!"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa i taas ng torre. Kaharap niya ngayon ang libo libong knights at mga tao na may mga dalang iba't ibang armas. Nagtaka ako kasi bakit ako nandito? Teka nasaan ako? Tinignan ko ang paligid ko. Punong puno talaga ng tao at nakatayo ako sa gilid ng isang malaking puno.

Lumapit ako sa isang kawal at hindi ko namalayan na may bato pala kay natapilok ako. Ang mas ikinagulat ko pa ay lumagpas lang ang katawan ko sa knight na iyon. Dont tell me naging glitch ako?

Tumayo ako kahit ang dami ko pang tanong sa utak ko at umalis na ako doon. May nakita akong isang palasyo sa hindi kalayuan kaya pumunta ako doon at pumasok.

Pagkapasok ko palang ay namangha ako sa nakita. Nasa gitna ako ng isang malaking silid na puno ng mga gamit. Vintage. May upuan din sa harap ko. I think that was the throne of royalty.

Lumapit ako sa upuan at hinawakan iyon. Isa itong gold. Tunay pa na ginto. I shook my head.

Focus Azariella, you need to know where you are.

May nakita akong isang malaking hagdan kaya lumapit ako doon at umakyat. Ang ganda naman dito. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito.

Habang naglalakad sa hallway ay may narinig akong nagsalita sa isang kwarto.

"I need to, Hera. this is the only way to save my daughter. Kung malalaman nila na may anak ako, they will use her against me."

"Then what can i do for you your highness?"

"I need you to take her away, far away from the war."

Pumasok ako doon sa kwarto at bumungad naman sakin ang dalawang babaeng nakatayo ang isa ay may dalang bata at blur pa ang mukha niya tapos ang isa ay nakasuot ng cloak. Nagtaka ako kasi yung isang babae ay hindi ko makita ang mukha niya.

"But your highness, there's still another way right?"

"There's no other way Hera, this is the only way. I trust you, please make this happen."

Walang nagawa ang babae kung hindi ay tumango sa pinapagawa sa kanya. I think isang reyna ang babaeng may hawak na bata.

Ibinigay naman nung reyna ang bata sa babaeng kaharap niya.

"*********, i love you my daughter. Please remember me with this necklace." Sabi pa niya at isinuot ang kwintas sa leeg ng bata. Hindi ko marining ang una niyang sinabi. Nagtaka ako kasi parang pamilyar yung  necklace. Kaparehas kami ng kwintas!

Hinawakan ko ang kwintas na nasa leeg ko at tinignan ito. Magkaparehas talaga sila!

"Let's see each other when the time is right my darling." aniya at hinalikan ang niya ang noo ng bata. Sino siya? sino sila?

Lumapit ako sa kanila at hahawakan ko na sana ang mukha nang bata ng makarinig kami ng malakas na pagsabog kaya yumanig ang palagid dahil sa lakas ng impact non.

"Go! the war has started, I need to help my brother and please take care." Sabi pa nung babae at tinignan niya ang bata ng may malungkot na expression. Tumango naman yung tinatawag na Hera at nagsimula ng umalis.

Sinundan ko naman ang reyna ng lumabas siya. Nagulat pa ako kasi lumagpas siya sakin at bigla nalang akong nakaramdaman ng hilo at bigla akong nagising at napaupo sa kama.

I was catching my breath. Panaginip. Isang panaginip.

Pero ang hindi ko maintindihan, bakit ko napanaginipan iyon? at iyong bata, magkaparehas kami ng kwintas. Siguro coincidence lang iyon o hindi kaya may kinalaman yon sa pagkatao ko?

The Unknown of AstheiraWhere stories live. Discover now