CHAPTER 9 - The Sword of Wisdom

21 2 0
                                    

"Anong una mong klase Azariella?" Lumingon ako sa katabi kong si Winter.

Kasama ko ngayon si Karina, Kathelin at Winter, sabay kaming pumasok kanina at kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway at may mga studyanteng rin ang nakatingin sa gawi namin, siguro nagtataka sila. Natural bago ako e.

"Spells and Crafts?" Sagot ko sa tanong ni Winter. I memorized my schedule. Para hindi ko narin dalhin iyon. Total ang dali lang namang magmemorized e.

"Parehas tayo." Sabat naman ni Karina. Tumango na lang ako sa kanya.

"Historia yung sakin." Winter said.

"We're the same." si Kathelin na ang nagsalita. Huminto kami sa gitna ng hallways at nagtinginan kaming apat.

"So paano, una na kami ni Winter."
Kathelin said tumango naman kami and we parted ways.

"Spells and crafts, hindi ba iyon nakakatakot?" Tumawa si Karina sa naging sagot ko kaya kumunot naman ang noo ko. Tinawanan lang ako ng babaeng to ah.

"No, hindi siya nakakatakot masaya din siya sa katulad kong mahilig ng spells at potions." she answered at pumasok naman kami sa room na iyon. As expected ang mata ng ibang studyante ay nakatingin sakin.

Hindi ko na lang iyon pinansin at tumungo na kami sa room ng Spells and Crafts. Pagdating namin, nasa harap na yung Magistress Florene na sinabi sakin ni Winter.

"By the way class, this is Azariella Hernandez she's new in Astheira Academy." Magistress Florene said as soon as she saw me. "You can sit beside Miss Flero." sabi pa niya. Mukhang straight to the point itong si Magistress Florene ah mukhang may hinahabol na oras talaga.

Sinundan ko si Karina at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Today i will teach you how to know your element power using these magical runes stones." Panimula ni Magistress Florene 

At bigla namang lumipad samin tig iisa ang mga bato sa kanya kanya naming lamesa. Hindi na ako nagulat kasi talagang napakamahiwaga talaga ang mundong ito.

Hinawakan naman ni Magistress Florene ang bato na nakalagay sa lamesa niya. "Hawakan ninyo ang bato at pumikit kayo at magisip ng kung ano o sino talaga kayo. At pagkatapos ay sabihin niyong 'Realeitiy!' (Reality)" pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla namang naging kulay green ang bato at napakaliwanag iyon. Pati narin iyong mata niyang kanina lang maitim ay naging kulay green at nagliwanag din, ngayon ko lang napansin ang mata niya.

Lahat namang students dito ay nagulat may iba pa ngang natulala. Kahit nga ako ay nagulat pero hindi ko pinahalata.

"Kayo naman." sabi pa ni Magistress Florene. tumigil na sa pagliwanag ang mata niya pero hindi parin tumigil sa pagliwanag ang bato na hawak niya. Tumingin naman ako kay Karina ng matapos niya banggitin ang Realeitiy.

Kulay brown ang light nasa bato niya. It's means she's an Earth wielder.

Ang dami naring natapos at iba't iba ang lumalabas na kulay sa mga bato nila kaya nag try narin ako. Pumikit ako at inisip kung ano ba ako at sino ba talaga ako.

But all i can see is a kid with purple eyes. That kid is me.

"Realeitiy!" I said at iminulat ko naman ang mata ko at nagtaka ako kasi purple yung lumabas na kulay sa bato na hawak ko.

Lahat naman ng tao na nakatingin sakin ay nagulat, pati narin si Magistress Florene.

"A purple one?" sabi niya at lumapit sakin. Binigay ko naman sa kanya ang Magical runes rock na hawak ko at tinignan niyang mabuti iyon.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng kulay."

Tinignan ko siya at seryosong tingin ang ibinigay siya sakin kaya kinabahan ako. Lumapit siya at bumulong sakin.

The Unknown of AstheiraWhere stories live. Discover now