CHAPTER 2 - Weird Incident

41 3 0
                                    

"Wala naman dito ang hinahanap natin e." Reklamo bigla ni Aliyah. Kasalukuyan kaming nasa library dahil inutusan kami ng subject teacher namin sa Gen chem na hanapin ang isang libro na tungkol sa mga chemistry.

"Reklamo ka ng reklamo, maghanap ka na nga lang." anas ko. Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nangyari samin sa cafeteria. Alas tres pa lang ng hapon ay pinakawalan na kami ng adviser namin. Kaso nga lang inutusan kami bigla nung subject teacher namin matapos kaming makita na naglalakad sa hallway.

"Eto!" Tinignan ko si Finn. Nandito din siya dahil nga tinulungan niya kaming maghanap. Lumapit kami ni Aliyah sa kanya. Malapit lang siya sa bookshelves.

"Nice one Finn." I said as i tapped his shoulder. We immediately go to the office of Mrs. Helena, subject namin sa Gen Chem at ibinigay ang libro. Pinasalamat niya kami at umalis na.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng bigla kaming tinawag ng SSG president ng school namin, si Chleo ng HUMSS. Lumapit siya sa aming direksyon.

"You're Azariella and Aliyah right?" Tumango kami sa kanya. "Kailangan niyo ng mag community service, alisin niyo lang ang mga dahon na nagkalat sa garden ng school." She added.

Oo nga pala! May community service pa kaming gawin. Malas naman nito. Pero okay nalang din iyon dahil hindi pa ako makakauwi ng maaga.

"If you're wondering sa mga gamit, nandoon na sa garden yung walis at dustpan. You should go there now." Mahinahong sabi ni Chleo. We thanked her and we immediately went to the garden.

"May community service pa pala kayo." Tinawanan kami ng asungot na Finn. Hindi pa siya umaalis at hinintay kaming matapos sa paglilinis namin. Nakaupo siya sa bench hindi kalayuan sa amin at pinagmasdan lang kami.

I just rolled my eyes at Finn. "Tulungan mo na lang kaya kami." anas ko. Tumingin sa ibang direksyon si Finn at nagkunwaring parang walang narinig. Hinagisan ko siya ng dahon. Tumawa naman kami ni Aliyah. Mababa lang talaga ang kaligayahan naming dalawa.

Matapos naming linisin ang garden ay nagyaya ka agad si Aliyah na pumunta kami sa bagong bukas lang na cafe. Hindi ito malayo sa campus namin kaya pumayag nalang kami at syempre dahil nga libre pa niya.

We arrive at our destination. Talaga ngang maganda ang cafe na ito. Aesthetic style, vintage kung baga.

Umupo kaming tatlo sa isang round table sa gilid, malapit lang kami sa glass window. "Anong o-orderin niyo?" Finn muttered. "Kayong dalawa na ang bahala." sagot ko. Napaka indecisive kasi akong tao. Finn shook his head at my answer.

"Ako na bahala sa'yo." Aliyah winked at me at sabay na silang dalawang Finn na tumungo sa may counter para mag order. Naiwan lang akong mag isa sa table.

Habang tumatagal ay biglang may tumawag sa pangalan ko.

'Azariella.'

Lumingon ako sa likod ko. Wala namang tumawag sakin. Siguro nga guni guni ko lang yon. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumingin nalang sa mga taong kanya kanyang kumakain at umiinom ng milktea nila. As usual may naka tingin sakin.

'Purple na mata? Nakakatakot naman'

Narinig ko pang sabi. Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang kamay ko.

'Azariella.'

Hindi ko muling pinansin ang boses nayon.

'Azariella.'

Parang palapit ng palapit ang boses na yon. Nag simula na akong napatingin sa paligid ko. Napansin ko rin na mukhang pinagpapawisan na ako.

'Azariella!'

The Unknown of AstheiraWhere stories live. Discover now