CHAPTER 6 - Apprentice

22 2 0
                                    

Nagising ako ng may naramdaman akong tumatapik sa pisnge ko. I slowly opened my eyes at nakita si Winter.

"Wake up, you're sweating." Hinawakan ko naman ang leeg at mukha ko. Punong puno nga ako ng pawis. Hindi naman mainit dito.

Bigla kong naalala yung nangyari sakin kaya napabalikwas ako ng bangon. Wala na ako sa tubig at hindi na ako nalulunod. Paano? Panaginip lang ba iyon? Akala ko ba ito ang panaginip? Mababaliw na ata ako sa kakaisip kung ano at alin dito ang panaginip!

Pero yung babaeng iyon. Isang napakagandang babae na nakita ko habang nalulunod ako. Yumakap pa siya sa akin. Sino siya? At may sinabi siya sakin e, pero nakalimutan ko.

"Hoy! kanina pa kita kinakausap. Bat parang malalim ang iniisip mo ha." kung hindi pa nagsalita si Winter siguro nilalamon na naman ako ng isip ko.

"Ano nga ulit yon?" sabi ko at tumayo.

"Why are you sweating so much? Hindi naman mainit dito ah? Takang tanong niya.

"Do you have a nightmare? What happen?" she worriedly said. I sigh heavily.

"May napaginipan ako, it's not a nightmare but nalilito ako kung totoo ba iyon. hindi ko nga rin alam kung panaginip rin ba ito o hindi. I dont know, basta ang natatandaan ko. Nalulunod ako at may nakita akong isang napakagandang babae habang nalulunod ako." mahabang ani ko. Pero nagtaka ako kasi iyan nalang ang nasasabi ko. Parang nakalimutan ko ang kasunod o ang nangyari sakin.

"A Geniadream." she whispered pero narinig ko naman.

"Geniadream? What is that?" takang tanong ko. Geniadream? ngayon lang ako nakarinig ng ganyan sa buong buhay ko.

"Geniadream, is the way when a spirit visits you." What? is this some kind of a joke? Tinignan ko sa mata si Winter pero ang seryoso niya at halata na hindi siya nagbibiro.

"Spirit? Multo ba?"

"No, a spirit is a magical creature that lives in Astheira centuries ago, nagpapakita lang sila sa isang panaginip. When you see them in your dreams, it means that the magic in you is slowly getting out. It also happened to me not too long ago. That is why i can use my power now."

May part parin sa akin na hindi makapaniwala, masisisi niyo ba ako e sa bago palang ako dito sa kakaibang mundo na tawag nila.

"So the Geniadream is like a sign that my magic is activating?" She nods at me.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Winter at lumipat naman ang tingin namin doon. Pumasok doon si Wizard Everina.

"Oh gising na pala kayo, why are you sweating Azariella?" sabi niya at lumapit saamin.

Si Winter na ang nagexplain sa nangyari samin kay Wizard Everina dahil hindi ko magawang magsalita lalong lalo na sa mga impormasyong nalaman ko.

Another information that exceeded my expectations. Hindi ko nga nalamayan na umaga na pala. Akala ko kasi madaling araw pa.

"Geniadream." Nabaling ang tingin ko kay Wizard Everina. "Are you okay?" sabi niya pa matapos magsalubong ang mga mata namin. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Wait, this will make you feel better." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Wizard Everina, inangat niya ang kamay niya at tinutok sakin. Magsasalita sana ako ng inunahan niya ako.

"Windair Raspello!"

Pagkatapos niyang bigkasin iyon ay may lumitaw na parang isang green magic circle sa kamay niya at bigla naring guminhawa ang pakiramdam ko.

"Paano mo iyon ginawa?" gulat na sabi ko.

"Just some basics. gusto mo turuan kita?" She said and smiled at me. Tumango naman ako. I want to learn that! at hindi na ako magugulat kung may mangyayari na namang kababalaghang masasaksihan ko dito sa kakaibang mundong to.

The Unknown of AstheiraWhere stories live. Discover now