Chapter 25

61 3 0
                                    

Nagulat ako dahil imbis na ang daan patungong Univeristy ang daanan namin, bigla na lang niliko ni Drake ang kotse niya sa kabilang kanto. Dahil sa ginawa niya, nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Natawa naman siya ng saglit niya akong sinulyapan.

"Chillax." He said while chuckling. Aliw na aliw niya akong muling sinulyapan. "Wala akong gagawing masama sa'yo." Nakangiting saad niya.

I sighed. "Wala naman akong sinasabi. Pero saan ba tayo pupunta? Hindi pamilyar sa 'kin ang lugar na 'to." Sabi ko habang tinitignan ang dinadaanan namin. Nang lingunin ko si Drake ng hindi ako makakuha ng sagot sa kanya. Nakangiti lang siya habang nakatutok sa daan ang tingin.

"Drake!" Nagsisimula na akong mainis! Ayaw niya kasing sagutin ang tanong ko. Ilang minuto rin akong naghintay, eh.

"Just wait and you'll see." Nakanngiting sabi niya na ikinairap naman ng mga mata ko.

I just crossed my arms. Kung ayaw niyang sabihin edi 'wag! Magkasalubong ang aking kilay ng muli akong tumingin sa labas ng bintana.

Nawala lang ang pagkakasalubong ng kilay ko ng may matanaw akong park kung saan may mga playground. Oh my gosh! Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa park kung saan may mga batang naglalaro.

Napatitig ako sa mag-ina na naglalaro. Kitang-kita sa mga mata nila ang saya. Naalala ko, eight years old ako huling nagpunta ng park. Sobrang saya namin ni Mommy kahit hindi namin kasama si Daddy dahil may trabaho ito. Mom, i miss you so much!

"We're here"

Natigilan ako sa masayang anunsiyo sa akin ni Drake. Sa tapat pa mismo kami ng park huminto. Nang lingunin ko siya, sobrang lapad ng ngiti niya.

"A-Anong ginagawa natin dito?"

"Well have a date." He said sweetly. Napaamang ang labi ko.

"Seriously?" Gulat na tanong ko. Nanlaki ang mga mata ko ng nilibot ko ng tingin ang paligid. Napakaraming kainan! Malayo lang onti sa park ang pwesto ng mga tindahan. W-Wow! Sa subdivision, walang ganyan sa park dati, eh. Ngayon kaya? Hindi ko naman kasi nadadaanan kaya hindi ko alam.

"Let's go." Pinanood kong bumaba ng driver seat si Drake at saka siya umikot papuntang passenger seat para pagbuksan ako ng pinto.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako inalalayang makababa. "Thank you!" Pagpapasalamat ko ng makababa ako. Sinara naman niya ang pintuan ng passenger seat.

Napako ang tingin ko sa playground kung saan tuwang-tuwa ang mga batang naglalaro. Ang iba napapatili pa habang nag-i-slide.

"Halika na."

Napaamang ang labi ko ng bigla na lang hawakan ni Drake ang kamay ko kaya magka-holding hands kami. Napatitig ako ro'n. Dahil sa ginawa niya, lumakas na naman ang pagtibok ng puso ko.

Naalala ko ang sinabi ng Doctor sa akin noong nakaraan patungkol sa pagbilis ng tibok ko. Agad akong kinain ng hiya ng malamang wala akong sakit sa puso kundi ang pagbilis daw ng pagtibok ng puso ko ay nararamdaman ko para sa taong mahal ko. Isang araw din akong hindi nakatulog ng mabuti dahil sa kakaisip sa sinabi ng Doctor sa akin.

Napakahirap namang paniwalaan ang sinabi niya. K-Kay Drake lang tumitibok ng ganito kabilis ang puso ko pero h-hindi ko naman mahal si Drake, ah. So, bakit 'to nangyayari sa akin?

"Earth to Princess!" Nagulat ako ng may pumitik sa harapan mismo ng mukha ko at bigla na lang tumambad sa harapan ko ang nag-aalalang mukha ni Drake.

"Are you okay?" He asked worriedly.

"H-Huh?" Naguguluhang tanong ko dahil wala akong alam. Napakunot ang noo ko ng malalim na napabuntonghininga si Drake. "Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka nagsasalita."

Napaamang ang labi ko. "I'm sorry. Ano nga ulit 'yung tanong mo?"

Sinimangutan niya pa muna ako bago siya nagtanong. "What do you want to eat."

Agad akong napatingin sa lugar kung saan ko naaamoy ang mabangong usok. W-Wow! Barbeque!

Kaya naman mabilis kong tinuro ang tindahan ng barbeque kung saan na sa amin ni Drake ang tingin ng mga tindero at tinderang naroon. Nag-iwas lang sila ng tingin ng ituro ko ang barbeque-han nila. "Ayon ang gusto ko."

"As you wish." Nakangiting sabi ni Drake at saka kami naglakad palapit sa tindahan ng barbeque. Magkahawak pa rin ang kamay namin ngayon. Napansin ko namang na sa amin pala ang tingin ng mga tao. Ngayon ko lang napansin. Lalo ng mas maraming nakatingin kay Drake dahil puro teenager ang narito sa park.

"G-Good m-morning, Ma'am and Sir!" Bati agad ng isang tindera sa amin ni Drake ng makalapit kami sa kanila. Tumango naman si Drake at saka tumingin sa akin.

"What do you want?"

Nagkibit balikat naman ako. "Kahit ano," Naglakad ako palapit sa kanya at saka ako bumulong. "Ikas na ang bahala basta 'yung masarap, ha?"

Natawa naman sa akin si Drake. Pero tumango-tango siya at saka sinabi sa tindera kung ano-ano ang mga order namin. Hindi ko lang alam kung natatandaan niya dahil nakatutok lang ang tingin kay Drake.

"Maupo na po muna kayo."

Niyaya naman ako ni Drake sa table na binigay sa amin. "Ang dami mong in-order. Mauubos ba natin lahat 'yon?" Natatawang tanong ko sa kanya ng makaupo kaming parehas.

"Of course. Baka nga kulang pa sa'yo 'yon pagnatikman mo na." Nakangiting sabi niya. Napailing-iling naman ako at saka nilibot ng tingin ang paligid.

Ang daming tindahan at iba-iba ang mga tinda nila. Marami ring tao ngayon. Ang iba mga estudyante, tapos mga magkasintahan at mga magkapamilya. Napatingin ako sa isang grupo ng mga kabataang na sa amin ang tingin. Agad silang nag-iwas ng tingin ng makitang tinitignan ko sila. Si Drake ang tinitignan talaga nila habang kinikilig. I just shook my head.

"Ito na po ang order niyo." Napatingin ako sa babaeng lumapit sa table namin habang bitbit ang tray kung na saan nakalagay ang lahat ng in-oder ni Drake.

Nang makaalis ang babae nagkatinginan kami ni Drake.

"Anong masasabi mo?" Nakangiting tanong niya sa akin saka tumingin sa barbeque.

"Mukhang masarap lahat. They're smells so good." Hinawakan ko ang isang stick. "What is this?" Nakangiwing tanong ko kay Drake na tinawanan naman ako.

"Isaw. Tikman mo, masarap 'yan." Nakangiting sabi niya. Napatitig ako sa isaw. Nag-aalangan man, sinawsaw ko iyon sa sauce at saka ko sinubo.

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Drake na nakangiting nag-aabang sa sasabihin ko. "Oh gosh! It tastes good! I love it!"

He laughed. "Sabi ko sa'yo, eh." Tumango-tango naman ako. At saka kami sabay na nagsimulang kumain. Nagulat ako ng itapat ni Drake sa akin ang stick na may lamang karne ng baboy.

Nakangiti ko 'yong sinubo. "Masarap 'di ba?"

"Sobra!" Hindi nga nagkamali si Drake. Dahil talagang nagustuhan ko ang lasa ng iba't ibang klase ng barbeque!

Hanggang sa matapos kami, sobrang saya ko. Sobrang sarap pa lang kumain ng mga pagkain kahit minsan ay hindi ko pa natikman na si Drake ang kasama. Mabuti na lang at naisipan niyang dito ako idala. Nakalimutan na nga naming may klase kami.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon