Chapter 17

188 7 2
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nakahanda na ang lahat ng mga gamit ko na dadalhin ko pabalik sa Mansion.

"Talaga bang seryoso ka sa desisyon mo, Apo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Lola. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa dining area at nag-aalmusal.

Kagabi habang kumakain kami ng hapunan, sinabi ko lahat kay Lola ang balak kong pagbalik sa Mansion. Noong una, hindi pumayag si Lola pero hindi rin naman nagtagal, nakumbinsi ko siya. Sinabi ko na magpapakabait ako. Nag-aalangan man, pumayag na si Lola dahil alam niyang wala na rin siyang magagawa lalo na sinabi kong nakapag-impake na ako.

"Opo. Nakausap niyo na po ba si Daddy?" Nakangiting tanong ko kay Lola pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Oo, kagabi."

"Ano pong sabi niya?" Nakangiti pa ring tanong ko.

Umiling si Lola. "Wala. Wala ni isa siyang sinabi pagkatapos kong sabihin sa kanya na babalik kana sa inyo."

Napawi ang ngiti sa labi ko at saka ako napatango-tango. Hindi ko inaasahan 'yon. Pero at least wala siyang sinabi na ayaw niya na akong pabalikin sa Mansion. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain hanggang sa matapos ako.

Umakyat na ako sa kwarto para makapag-ayos na at maka-alis na rin ako ng maaga. White simple dress ang sinuot ko pagkatapos kong naligo. Sinuklay ko ang makapal at mahaba kong buhok at hinayaang nakalugay. Naglagay lang ako ng kaunting make-up sa mukha bago ko sinuot ang sandals ko at saka na ako naglakad palabas ng kwarto ko. Ang mga gamit ko, kanina pa nailabas ng mga katulong at siguradong nasa kotse ko na ang mga 'yon.

Si Lola at Manang Fe ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng hagdan. Sobrang lapad ng ngiti nila habang nakatingin sa akin.

"Napakaganda ng Apo ko, 'di ba, Fe?" Nakangiting tanong ni Lola kay Manang Fe na agad naman tumango-tango kaya natawa ako.

"Sobrang ganda ng Apo mo."

"Ang lakas niyong mambola. Aalis na nga ako, nambobola pa kayo." Natatawang sabi ko. Parehas naman silang natawa.

"Apo, alam naming alam mong nagsasabi kami ng totoo."

Matamis akong ngumiti kay Lola at saka ko sila parehas niyakap ni Manang Fe. "Thank you po sa inyo."

"Halika na, ihahatid ka na namin sa labas."

Nakangiti akong tumango sa sinabi ni Lola. Kaya naman, magkahawak kamay kami ni Lola ng maglakad kami palabas ng Mansion.

"Lagi mong tatandaan na, bukas ang Mansion ko para sa'yo, Apo." Nakangiting sabi ni Lola habang naglalakad kami palabas.

Nakangiti akong tumango. "Palagi kang nasa tabi ko, tuwing kailangan ko ng pamilya. Palaging sa'yo ako umuuwi. Thank you, Lola." Tuluyan ko ng niyakap ng mahigpit si Lola ng makalabas na kami.

"Palagi pa rin po akong dadalaw dito."

"Aba'y dapat lang. Huwag kang magpa-miss." Parehas kaming natawa ni Lola sa sinabi niya.

Nagpaalam at nagpasalamat ako sa mga katulong. Ganoon na rin kay Manang Fe. "Mag-iingat po kayo palagi ni Lola, ha?" Bilin ko kay Manang Fe at saka ko siya niyakap na agad naman niyang ginantihan.

Huli akong nagpaalam kay Lola na napakaraming bilin sa akin kaya natatawa na lang ako. Nang tuluyan akong makasakay sa driver seat ng kotse ko, binuksan ko ang bintana at nakangiti akong kumaway sa kanilang lahat.

"Alis na po ako!"

"Mag-iingat ka." Tumango ako at saka na muling sinira ang bintana ng driver seat at saka ako bumusina bago tuluyang pinaandar ang kotse ko.

Naabutan ako ng traffic kaya natagalan ako. Nang nasa tapat na ako ng gate ng Mansion, bumukas na agad ito. Yumuko ang mga guard ng makapasok ako. Bumusina lang ako at saka nagpatuloy sa pagdra-drive hanggang sa makarating ako sa garahe kung saan ko pina-park ang kotse ko.

May lumapit agad na dalawang katulong sa akin paglabas ko ng kotse ko. "Welcome back, Ma'am."

Tumango lang ako at saka ko tinuro ang compartment ng kotse ko.

"Nandiyan ang mga gamit ko." Saad ko bago naglakad na palapit sa Main door ng Mansion.

Taas noo akong naglakad papasok ng Mansion ng pagbuksan ako ng dalawang katulong ng pintuan at saka nila ako binati.

"Welcome back, Princess!"

Natigil ako sa paglalakad ng bigla na lang may confetti na pinasabog. At nang mawala ang nagliliparang confetti sa harapan ko, nakita ko ang masasayang mukha ng mga katulong at ganoon na rin ang mag-ina.

"Ate Princess!"

Bago pa makalapit si Stephanie sa akin, pinigilan ko na siya gamit ang kamay ko. "I'm tired. Gusto kong magpahinga." Walang emosyong saad ko.

"Naghanda kami ng mga pagkain para sa'yo. Ayaw mo bang kumain na muna bago ka magpahinga?" Sabat naman ng bagong asawa ni Daddy.

"Ang sabi ko, babalik ako ng Mansion. Pero wala akong naaalalang nagsabi akong paghandaan niyo ang pagbalik ko."

Hindi nakapagsalita ang mag-ina sa sinabi ko. Tipid kong nginitian si Manang ng magtama ang tingin namin.

Nang makapasok na ang dalawang katulong na may bitbit ng mga gamit ko, nagpatuloy na muli ako sa paglalakad. "Tara na sa kwarto."

Walang pakialam na nilagpasan ko lang silang lahat.

Wala pa naman si Daddy. Kaya hindi ko pa kailangang magpanggap sa harapan ng mag-inang 'yon.

Kaya naman, maghapon akong nasa loob lang ng kwarto ko.

"Ma'am?"

Saktong labas ko ng CR, siya namang katok ng isang katulong sa pintuan ng kwarto ko.

"Yes?"

"Hinihintay na po nila kayo sa dining area."

Napangisi ako ng marinig ang sinabi ng katulong. Alas syete na ng gabi. Oras na para sa hapunan. "Sige, susunod ako."

Inayos ko na muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Sobrang tamis ng pagkakangiti ko ng makarating ako sa dining area. "Good evening, guys!" I greeted happily. Napatingin sila sa akin.

Nakangiti akong naglakad palapit kay Daddy at saka ako humalik sa pisngi niya. "Good evening, Daddy! I miss you!" Saglit ko siyang niyakap. Bago ako bumaling sa asawa niya.

"Good evening, Tita Ysabel!" I greeted and kissed her cheeks. Ganoon din ang ginawa ko kay Stephanie bago ako naupo sa upuang nakalaan para sa akin.

Lihim akong napangisi ng makita ang pagkagulat sa mga mukha nila. Halata namang hindi nila inaasahan ang mga ginawa ko.

Well, guys! Nag-uumpisa pa lang ako.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon