Chapter 30

83 2 0
                                    

Maghapon lang akong nakahiga sa kwarto ko. Puyat at namamaga ang mga mata. Hindi ko nga alam kung may mailuluha pa ako sa dami kong niluha kagabi. Galit na galit ako at sobra rin akong nasasaktan. Kagabi, nagpakalasing ako. Mabuti na lang at nandiyan si Daphne para samahan ako. Kagabi, maski siya alam kong umiiyak dahil nakikita niya akong nasasaktan. Alas dose ng tanghali ng umuwi si Daphne. Dito na rin siya nagpalipas ng gabi.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko.

"Hindi ka pa kumakain simula kanina. Nagdala ako ng pagkain mo." Naramdaman ko ang paglubog ng higaan ko. Naupo si Tita. "Alam kong gutom ka na."

Ilang minuto katahimikan ang bumalot sa aming dalawa bago ko siya muling narinig na nagsalita. "Sige kung hindi ka kumportable na nandito ako, aalis na muna ako."

Pero bago pa makatayo si Tita Ysabel mabilis na akong humarap sa kanya at saka ako yumakap sa bewang niya. Naramdaman kong natigilan si Tita Ysabel pero ilang saglit pa, naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Tita sa mahabang buhok ko.

"You can cried on me." Malambing na mahinang saad ni Tita sa akin. Hindi ko na naramdaman ang pagpatak ng luha ko. Kagabi, paggising ko, nasa Mansion na ako. Mabuti na lang at nasa labas na si Mang Bert kaya nakaalis agad kami ni Daphne.

Hindi pa rin ako makapaniwalang niloko lang ako ni Drake. Plinano niya lang ang lahat. He fooled me.

"Kumain kana muna. Baka magkasakit ka pa kung hindi ka pa kakain."

Nanghihina akong naupo. Inalalayan naman ako ni Tita hanggang sa isandal niya ako sa headboard ng kama ko. Nang maiayos niya ako, inilagay niya agad ang bed table na may lamang pagkain sa harapan ko.

"Pinagluto kita ng sopas. Lugaw sana pero ang sabi ni Stephanie, sopas na lang daw."

Hindi ako nagsalita. Bumaba ang tingin ko sa bowl kung saan may lamang sopas. Kanina ko pa nararamdaman ang pagkulo ng tiyan ko sa gutom. Natitiis ko pa kanina pero ngayong may pagkain sa harapan ko, mukhang hindi ko na kaya.

Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko ang kutsara. "Ano na lang." Napatingin ako kay Tita Ysabel na siyang tuluyang kumuha sa kutsara. Mukhang nakita niya ang panginginig ng kamay ko dahil na rin sa panghihina ko.

Sinubuan ako ni Tita Ysabel hanggang sa maubos ko ang sopas na niluto niya.

"Nag-aalala ako sa'yo, kagabi pa." Malungkot na sabi ni Tita Ysabel na inayos muli ang pagkakahiga ko. "Magpahinga kana muna, okay? Babalikan kita mamaya." Ngumiti siya sa akin at saka na ako tinalikuran.

"T-Thank you po."

Natigil sa paglabas ng kwarto ko si Tita Ysabel ng marinig niya ang sinabi ko. Nakangiti siya ng lingunin niya ako. "Trabaho kong alagaan ka, Anak. Kaya magpahinga kana at magpalakas. Nag-aalala kami ng Daddy mo sa'yo." Sabi niya at saka ngumiti sa akin. Naglakad muli siya palapit sa akin.

"Bakit hindi ka bumangon diyan at magpalakas? Mas magandang ipakita mo sa kanya na okay ka at hindi ka naapektuhan sa mga ginawa niya sa'yo." Natulala ako sa sinabi ni Tita Ysabel. Hindi ako nakapagsalita.

Napapikit ako ng maramdaman ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "Lalabas na muna ako. Kung kailangan mo ako, nasa baba lang ako."

Tumango ako kay Tita Ysabel. Pinanood ko lang si Tita na makalabas ng kwarto ko.

Tama si Tita. Nanghihina man, dahan-dahan akong bumangon. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng bumukas 'yon. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Stephanie ng makita niya ako.

"Ate Princess!" Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin. "Where are you going?"

"Sa CR, gusto kong maligo."

"Aalalayan kita."

Nakagabay lang sa akin si Stephanie hanggang sa matapos ako sa paglilinis ng katawan, pagbibihis at pag-aayos ng sarili. Hindi niya ako iniwan kundi nanatili siya sa kwarto ko.

"Halika, bumaba na tayo."

Agad na ngumiti sa akin si Stephanie. "Sige, Ate. Halika na po." Masayang hinawakan ni Stephanie ang kamay ko kaya naman, magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto ko.

Nagulat sila Tita Ysabel at Manang ng makota kamimg pumasok sa kusina.

"Oh, Princess. Mabuti naman at bumaba kana." Nakangiting sabi ni Manang Rosa sa akin.

Ngumiti ako sa kanila. "Tita tama ka. Kailangan kong magpalakas at maging matatag at ipakita sa kanilang hindi ako apektado sa ginawa nila sa akin."

Naglakad si Tita Ysabel palapit sa akin at saka ako niyakap. Niyakap ko rin naman siya. Pakiramdam ko, si Mommy ang kayakap ko. Siguro ganito talaga paghinahanap-hanap mo ang isang yakap ng ina.

"M-Ma'am." Bumitaw kami ni Tita mula sa pagkakayakap at saka kami tumingin sa katulong. "Nasa labas po si Mr. Mongecarlo. Hindi raw po siya aalis do'n hanggang hindi niyo raw po kayo nagpapakita."

Napaamang ang labi ko sa sinabi ng katulong. Ang puso ko ayan na naman. Kahit puro galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, alam kong siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.

Nang tumingin ako kila Tita Ysabel at Manang Rosa, parehas silang tumango sa akin. "Ate samahan na kita." Napatingin ako kay Princess na kumapit sa braso ko.

"Sige."

I sighed heavily. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na magkaharap kami ni Drake.

Paglabas namin ng Mansion, agad nadako ang tingin ko sa gate. Mula sa mini gate ng Mansion. Nakita ko si Drake na nagmamakaawang papasakun siya.

Walang emosyon ang mga mata ko nang tumingin ako sa kanya ng magtama ang tingin namin. "P-Princess." He mouthed.

Nang makarating kami sa tapat ng gate, tumabi si Manong guard habang si Stephanie naman ay nasa likuran ko.

"P-Princess, I'm so sorry. Please, forgive me!"

"Kung 'yan ang pinunta mo rito, umalis kana. Wala akong panahon para magsayang ng oras sa'yo." Malamig na saad ko.

Nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata ni Drake. Hindi ko kayang makita 'yon kaya nag-iwas ako ng tingin.

"P-Princess-" I cut him off.

"Pwede ba umalis kana?!" Sinamaan ko siya ng tingin ng muli ko siyang tignan. "Niloko mo ako tapos ngayon umaasa kang patatawarin kita? Ang kapal ng mukha mo!" Hinawakan ni Stephanie ang magkabilang braso ko ng maramdaman niya ang panghihina ko. "You fooled me!"

"Oo aaminin ko, plinano kong saktan ka!"

Hindi ko napigilan ang pagluha ng mga mata ko ng marinig ang mga salitang binanggit ni Drake.

"P-Pero hindi ko nagawa." Nanghihinang sabi niya. "Hindi ko nagawa dahil minahal kita. Mahal na mahal kita, Princess. Lahat ng mga ginawa ko totoo. Totoo lahat 'yon."

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya Drake. Pero paano ko 'yon paniniwalaan kung siya ang taong pinaglaruan ako. I shook my head. "Hindi ako naniniwala sa'yo. No! Hindi mo na ako maloloko pa." Buong tapang na sabi ko at saka na ako naglakad palayo kasama si Stephanie. Hindi ko siya nilingon kahit na anong lakas ng pagkakasigaw niya sa pangalan ko.

Nanghihina akong naupo sa sofa rito sa living room. Agad naman akong dinaluhan ni Tita Ysabel. Kaya sa huli, sa kanya ako umiyak nang umiyak.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon