Chapter 29

79 2 0
                                    


Nakalimutan ko na ang mga sinabi ni Hazel dahil kay Drake. Pagkaupo ko pa lang sa upuan ko, inasikaso na niya agad ang pagkain ko.

"Kumain ka ng marami." Napangiwi ako ng makitang sobrang daming pagkain ang kinuha niya para sa akin.

"Hindi ko mauubos 'yan." Nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Tutulungan kita." Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Kaya naman, dalawa kaming kumakain sa napakaraming pagkaing kinuha niya.

"Say ah." Natatawa kong sinubo ang salad na nasa kutsarang sinusubo sa akin ni Drake.

"Mahiya naman kayo. May single rito." Napaamang ang labi ko ng marinig ang sinabi ni Joshua. Inirapan niya kaming dalawa ni Drake.

Bakit ko nga ba nakalimutan na kasama rin namin sila ngayon sa table namin? Nang mapatingin ako kay Daphne, ngumisi siya sa akin. Kinunutan ko lang naman siya ng noo bago ko binaling ang tingin sa pagkain.

Nang matapos ang lahat na kumain, ilang saglit pa naisipan na nilang umpisahan ang pagbibigay ng mensahe kay Alexander na pinilit nilang maupo sa upuang nasa harapan kung na saan ang lamesang may lamang napakaraming regalo.

Ang malokong si Joshua ang unang nagbigay ng mensahe kay Alexander. Napuno ng tawanan ang buong pool area. Ang loloko nilang magbabarkada. Puro bilin ang ibinibigay nila kay Alexander na tumigil na sa pagbababae at tularan daw si Drake na matagal ng hininto ang pagbababae.

Napakunot ang noo ko ng banggitin pa ni Joshua na ako ang dahilan no'n. Binggit din niya si Daphne na baka ito raw ang makapagpabago sa kaibigan nilang aliw na aliw namang pinapakinggan sila.

Lahat kami ay natigilan ng magtaas ng kamay si Hazel. Napatingin ang lahat sa kanya maski ng maglakad siya at kunin ang mic mula kay Drake.

"Happy birthday, Alexander." Nakangiting pagbati niya kay Alexander na tinanguan naman siya. Umayos ako nang upo ng magtama ang tingin namin ni Hazel. "And congratulations, Drake! You win the game." She said happily. Nagsalubong ang kilay ko at saka ako naguguluhang napalingon kay Drake.

Lalo akong naguluhan ng tumayo si Alexander at Joshua. Pinigilan ni Joshua si Hazel pero hindi ito nagpapigil. "Hazel, stop it!

"No! Tapusin na natin 'to." Sobrang lakas ng tibok ng puso ko lalong bumilis ng tumingin sa akin si Hazel. Napaamang ang labi ko.

"Miss Villamore already fell in love with you. Hindi ba, Miss Villamore? Hinihintay mo na lang na tanungin ka ni Drake na maging girlfriend niya at sasagutin mo na siya?" Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Hazel. Paano niya nalaman 'yon? Nandoon ba siya sa library noong araw na pinag-usapan namin ni Daphne 'yon? At saka ano bang nanyayari?

"Hazel!"

Lumapit sa akin ang isa sa mga alipores ni Hazel at saka inabot sa akin ang cellphone kung saan may video akong nakikita.

"Nandiyan ang kasagutan sa mga tanong mo ngayon."

Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko ng pindutin ko ang play botton ng video.

Mula sa malaking TV na nasa harapan naming lahat, doon nagplay ang video. Napaamang ang labi ko ng makitang magkakasama sa isang bakanteng room ang apat na magkakaibigan. Si Drake, Joshua, Alexander and Nathan.

"Nakahanap ka ng katapat mo, pare." Natatawang sabi ni Alexander at saka siya naupo sa isang upuan. Sinamaan naman siya ng tingin ni Drake.

"A wicked Princess. Ano namang laban mo sa kasamaan niya?" Natatawa namang sabi ni Joshua kaya siya naman ang sinamaan ng tingin ni Drake. "Grabe. Kakaibang babae. Sa lahat ng babaeng baliw na baliw sa'yo, ibang-iba siya. Ni hindi man lang ma-appriacate ang itsura mo." Natatawang dagdag ni Joshua.

"I have a plan."

Dahil sa sinabi niya napunta ang tingin sa kanya ng tatlo. "I will make her fell in love with me." Nakangising sabi ni Drake.

"Seriously, bro?" Natatawang tanong ni Alexander. Tumango naman si Drake.

"Yes. At pagkatapos, papaiyakin ko siya. Sasabihin kong bet lang ang lahat. Lahat ng gagawin ko sa kanya ay planado na. Pagnagtagumpay ako sa plano ko, give me a prize."

Napailing-iling si Joshua. "Delikado 'yan, bro. Sa ganda no'n paano kung mahulog ka rin?"

"That will never gonna happen."

Doon huminto ang video. Kasabay ng paghihina ko ay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"P-Princess."

Galit na galit akong tumingin kay Drake. "How dare you! I shouted angrily. Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Nang lumapit siya sa akin para yakapin ako, mabilis ko siyang tinulak-tulak.

"I-I'm so sorry."

Galit na galit akong umiling sa kanya. "N-No!" I shouted. Dahil sa luha ko hindi ko na sila makita. Nagtagumpay si Drake na mayakap ako. Pinagpapalo ko ang dibdib niya hanggang sa mabitawan niya ako.

"P-Prrincess." Mabilis kong niyakap si Daphne ng hawakan niya ako.

"D-Daphne, ilayo mo na ako rito." Nagmamakaawang sabi ko. Nanghihina na ako idagdag mo pang wala na akong makita dahil sa patuloy na pag-iyak ko.

Hanggang naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko at kasabay ng tilian ay ang pagdidilim ng paningin ko.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon